———-
Celebrities na ang Teng Brothers na sina Jeron and Jeric. Ang galing naman kasi nila.
—
Pero alam niyo ba na may isa pang Teng na nagtatago sa office namin??!?!?
Meet EnTENG.
No, hindi siya talaga kapatid ni Jeron and Jeric. Pero kahawig naman niya yung tatay nila di ba?
Nung bago palang siya, tuwang tuwa ako kasi at last, may “kalahi” na ako sa office. May kasabay siyang pumasok sa office na naging roommate ko, si L. Araw-araw pupuntahan ni Enteng si L sa room namin para makipagkuwentuhan. Ok lang naman yun. Ang nakakainis ay, yayayain niya si L kumain, at di niya ako papansinin. Minsan pa magdadala siya ng pagkain tapos di niya ako aalukin! Ano ako, furniture?!
So sinita ko, “wow Enteng, salamat talaga inalala mo ako!” The next day, di na siya pumasok ng room. Tinawag niya si L sa labas at dun niya binigay ang pagkain na dala niya. Anak ng…#! Tingin siguro sakin nito patay gutom at uubusin ko ang mga pagkain niya!!! Hayup!!
After siguro mga 3 weeks, tsaka lang niya narealize ang kasalbahian niya. Sinulatan niya ako ng mala-Maalala Mo Kaya na apology letter. Natawa naman ako, so kinaibigan ko siya.
Ok na sana eh, until one morning, nakita ko ito sa desktop ko….
Enteng!!!! Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit mo ginawa ito at kung ano ito? Pinagtuunan mo pa ng oras, imbis na nagtrabaho ka nalang… 🙂
Anyway, that day, tinanong nya ako kung gusto ko ng North Park. Sorry daw sa mga ginawa niya… Wow, bumabawi! Sige na nga. Bilang “patay gutom” ako, tatanggapin ko ang sorry gift mo.
Maya-maya dating si Enteng sa room ko dala ang North Park. Ang saya!!!
Me:
Wow, thank you Enteng!!!
Friends na tayo talaga!
—————
Enteng:
P 250 pala yan.
Anak ng tokwa! Hindi pala libre?!?!?!
Friends na kami ni Enteng. Mabait naman talaga siya. 🙂 Binebenta ko nga siya sa mga single friends ko. Kung interesado kayo, please email us. Hahaha!
teng brother
ilan taon na po ba si Enteng? madami po akong single friends na pwede i-blind date sa kanya…hehe..:-D
may midlife crisis na siya hehe 🙂