Uwing-uwi na si Lola sa Palo, Leyte. Homesick na raw siya. Maya maya kukulitin niya kami na uuwi na siya. Inaalala niya ang tindahan niya sa probinsya. Yung tindahan niya kasi ang bumuhay sa kanila ng Daddy at Tito ko. Sinabi na namin na sarado ang tindahan dahil nga sa nangyaring kalamidad. Pero hindi na namin masyadong inuulit-ulit kasi sumasama loob. Mahirap na, 90 na si Lola. Kaya’t kung ano-anong excuse nalang ang sinasabi namin. At kung nauubusan na kami, sinasabihan namin siya na si Daddy ang kausapin.
(In Waray)
Lola: Uuwi na ako.
Daddy: Hindi pa puwede.
Lola: Bakit hindi?
Daddy: Walang mabibilhan na gamot mo dun.
Lola: Eh di bibili ako dito tapos dadalhin ko dun.
Daddy: Wala kang pambili.
Lola: May pera ako sa bangko.
Daddy: Sarado pa ang bangko.
Lola: Eh di bigyan mo ako ng pera.
Daddy: Wala akong pera.
Lola: Eh di bibigyan niya ako ng pera (sabay turo sa pinsan ko.)
Daddy: Anong gagawin mo dun? Walang kuryente.
Lola: May generator na, di ba?
Daddy: Walang gasolina.
Lola: Sabi sa news, meron ng gasolina.
Daddy: Walang tubig.
Lola: Di naman ako mainom ng tubig.
Daddy: Walang tissue. Maaksaya ka pa naman sa tissue.
Tumahimik si Lola….
Lola: Bakit walang tissue?!!!?!?!?
Hahahaha! Ok lang na walang kuryente at tubig… ‘wag lang mawala ang TISSUE!!!!
——–
on the tissue thingy i went like,OMG sooo like my abuela! i am a lola’s girl and she has tissues everywhere!!!!! hahahahaha! and now it seems like ive inherited such eccentricity. any kind of tissue,u name and we got it in the house!
ive spent the whole day reading your posts and you guys have me completely under the TSN spell.
Hahaha! You should meet my lola!!
ang kulit din ni lola, kesehodang walang tubig ‘wag lang mawalan tissue! 🙂
tomoh! 🙂
Hi Atty. V! This is definitely one of my fave posts here in TSN! Hahaha! Character si Lola! =) In fairness kay Lola, puwede pa ring makipag-sabayan sa kakulitan, heehee =)
Thank you, Ana 🙂
I am so glad your lola (and I hope other family in Leyte) is well. Even gladder that despite everything you went through, you (and your family) have retained your sense of humor. <3 <3 <3
Hehehe! Thanks so much 🙂
hahhaha,, natawa ko sa TIssue… Bakit walang TISSUE.. mawala na ang lahat
wag lang ang tissue.. cheers LOLA..
yun talaga ang concern niya hahaha! 🙂
super natawa ako…promise…hihihi..:-D
nakakaloka si lola! 🙂
Hahahaha. Ang vain ni lola 🙂
sobra! ang dami niyang tissue sa bahay! 🙂
Apir lola! Ang weird, naging “anonymous” ako in this comment. Heheh 🙂
hihi, mabubuhay si Lola ng wala ang ibang bagay, wag lang tissue 😛
Hindi nga daw siya iinom ng tubig eh hehe 🙂