Sa aking pagkakaalam, ang whole idea ng isang bikini or swimsuit competition ay para ipakita ang fitness or kagandahan ng katawan ng isang tao. Hindi naman kailang seductive or slutty, kase otherwise ay baka ibang klaseng swimsuit show na pala yan.
Ngayon ko lang naisip na puwede palang maging comedy segment sa isang variety show ang swimsuit competition. Ay sandali, parang may ganun na nga. Pero ito, kakaiba talaga.
I honestly don’t know what to say. As an avid watcher of the best competitive show on TV, America’s Next Top Model, medyo na-alis ako sa diwa ko and for a while, I had to vomit a little in my mouth. Hindi ko kinaya.
Fine, medyo gets naman nila ang basics ng posing: you have to be fierce, and you must have your signature style. Sila, they took it to another level! Sa sobrang fierce may boxing? Sa sobrang pagiging unique eh yung pose may kasama pang pagtanggal ng sapatos, or yung isa naman parang feeling yata niya kailangan mag portray ng catalogue picture. At least pag nanood siya ng bikini contest in the future at nakita niyang may nagtanggal ng sapatos at umupo, iisipin niya na lang, with nostalgia, “Ah, that girl pose is me. She do me, she do me!”
Ewan ko ba kung anong trip ng mga taong ito. Sumasakit ang ulo ko. Na-o-offend ang aking inner Tyra Banks.
Ikaw, whatcha say?
———–
Parang bumalik yung kapeng iniinom ko….
Ang dami kong tawa dito!
Something for your straight male followers. Thank you. 🙂