Isa sa nasa Christmas non-wishlist ko ay ang Christmas cards. More particularly, yung card na nilagyan lang ng date, “Dear P” sa itaas at “From: XXX” sa baba. Walang kadating-dating. Di man lang pinag-isipan.
The only time na katanggap-tanggap ang ganitong klaseng “regalo” ay kung: a) may cash na kalakip. Walang tatanggi dyan. b) may makabagbag-damdaming mensahe (aside sa printed na nakasulat na sa card) At c) kung nakakatuwa and witty ang naka-print na Christmas greeting. Tulad na lang ng mga ito…
Tingin niyo, bumenta kaya ‘to sa Hallmark?
Sobrang gustong gusto ko to!!!! :))