when I’m gone
A month ago, nag-attend kami ni Papa O ng wake ng mom ng boss ko.
Nagulat ako sa dami ng tao sa wake. And, the people were not crying. They were happy. Happy because they know that she is now in heaven with God and it’s time to celebrate and remember her wonder life. Ganun din nung wake ng mommy ni P. Parang party. Ang colorful ng flowers and ang dami. Parang engkatadia lang, type na type ni Mother Earth for sure.
Gusto ko rin ganun. Gusto ko masaya ang wake ko. Sabi ko pa kay Papa O dapat masaya yung music pero wag naman party music at walang inuman. Baka kasi may malasing at agawan pa ako ng eksena!
Me:
B, gusto ko masasayang kuwento sabihin niyo sa eulogy ko ha.
Papa O:
Sige, madami ako makukuwento.
Me:
Pagnamatay ako, malulungkot ka?
Papa O:
Oo naman!
Me:
Dapat hindi…B.
B, baka hindi ko masabi sa ‘yo bago ako mamatay so sasabihin ko na sayo.
Papa O:
Ano?
Me:
Puwede kang mag-asawa ulit pag-namatay ako. Di ako magagalit.
Papa O:
Bakit naman ako mag-aasawa?!
Puwede namang girlfriend girlfriend lang!
Anak ng tokwa! Parang excited na excited asawa ko mawala ako ah!
Nasira ang drama episode ko!
Kaloka ang huling sagot ni Papa O! Sana sinabi na lang nya na “fling-fling” muna. Hihi!
Natawa kami ng asawa ko ng bongga. HAHAHAHA. Panalo yung comment ni Papa O. :p