May mga tanong na tila walang tamang sagot. Ang age-old example nito ay “Alin ang nauna, manok o itlog?”
Sa amin ni D, nahirapan din kaming sagutin ang tanong na “Who built the house that fried chicken built?”
Kagabi, may naitanong din ako kay Papa N habang nag-iikot sa mall at napadaan sa isang Cafe sa may Havana…
P:
Daming mga “alam mo na” girls dyan naghihintay ma-pick-up oh!
Papa N:
Oo nga e.
At naitanong ko ang tanong na tila walang tamang sagot…
P: Kapag nagsuot kaya ako ng mahalay na damit at pumwesto dyan, papasa kaya akong “alam mo na” girl?
Possible answer A: OO
P: Ah ganun??? So mukha akong cheap? Mukha akong bayarin? Ganun?!
Possible answer B: HINDI
P: So hindi ako sexy? Hindi ako maganda? Wala akong appeal? Kaya hindi ako bebenta? Ganun?!
Buti na lang magaling sumagot si Papa N…
“So nagustuhan mo yung charm bracelet na bigay ko diba?”
Husay mag-change ng topic!!!
–
Leave a Reply