Tulad ng napakadaming Pilipino, mahilig ako sa showbiz chismaks. Kaya naman as much as possible, hindi ko pinalalampas ang paborito kong The Buzz na ngayon ay pinamagatan nang BUZZ NG BAYAN!
At mas lalo ako na-excite nang ito ang intro ni Tito Boy Abunda…
“John Lloyd Cruz…matapos ang kanyang pananahimik…handa nang magsalita! Ang mainit na tell-all ng aktor sa isang Buzz ng Bayan Premium Exclusive!”
–
Wow!!! Magsasalita na si Papa JL FINALLY!!! Nagsalita na sina Phoemela Barranda at si Jake Cuenca. Pero si Lloydie Deadmadela pa rin tungkol sa pinag-usapan at pinagkaguluhang eksena ng sampalan sa Prive…until now. Tiyak na kapana-panabik ito!
Kaya naman matiyaga kong hinintay ang tell-all interview na ito. Aaminin kaya niya ang pagpa-prank kay Anne o pabubulaanan niya? Magso-sorry kaya siya o masama ang loob niya? Eto na…
“The Man of the Hour, ang pinag-uusapan, ang laging sentro ng mga intriga, mapakarera o personal niyang buhay, madalas nagiging laman ng kontrobersiya. Ngayon, handa na siyang muling humarap sa isang Buzz ng Bayan Premium Exclusive…John Lloyd Cruz!”
Kring…kring…kring…Shet, may tumatawag sa cellphone. Mukhang importante. Di bale, intro pa lang naman…At nang aking ibaba ang cellphone…
“Ngayong hapon, ang birada ng kanyang puso, matapos ang matagal na panahon, walang takot siyang haharap…at bubuwelta…John Lloyd Cruz sa Premium Exclusive ng Buzz ng Bayan!”
Yes!!! Dizizit!!!
Ang mga tinanong ni Tito Boy kay JL…
- John Lloyd Cruz vs. public opinion…do you care what people think of you as a private person? Public opinion of you as an actor? Public opinion of you as a person?
Ganda ng intro question…Next question…
- Tutumbukin ko na…ang kontrobersiya tungkol sayo ay parating sumesentro sa private life mo. Do you care?
- Do you get irritated when people ask you about your love life?
Huh? Bakit lovelife? Baka pinapainit lang ni Tito Boy. Malamang magtatanong yan tungkol sa naging reaksyon ni Angelica sa sampalan issue.
- Kayo ni Angelica Panganiban, how do you keep yourselves bonded and well connected?
- Do you fight?
- Saan papunta ang relasyong ito?
“Ladies and Gentlemen, Mr. John Lloyd Cruz! Thank you!”
Huh??? Tapos na??? Anyare? Bakit hindi nabanggit si Anne? Si Jake? Si Phoemela? Ang Prive? Ang sampalan?
AKALA KO BA TELL-ALL? ANO ANG TINELL-ALL? Sana tinanong na rin ni Tito Boy tungkol sa childhood ni JL…o di kaya tungkol sa favorite color niya…o kung sino-sino ang mga kapit-bahay niya. Sana tinanong na niya lahat…lahat NG WALANG KINALAMAN SA ISYUNG ANNE CURTIS AT PRIVE! Hindi kasi yun ang hinihintay at inaabangan ng sambayanang Pilipino e.
Imbeeeeey!!!
tawang tawa ako sa last paragraph! Ramdam ang poot ni P!!! Nyahahha!!
haha di ko naabutan to, so nanood ako sa iwantv, ano sinagot sa mga intriga? parang wala naman hahaah 1st time ko pinanood kahit ayoko ng bagong format ng buzz ng bayan. ganyan din reaction ko, me to myself after ko manood, wala naman sinabi at sinagot. pero ok na sulit na at gwapo si john lloyd, at napatawa naman ako ng melason sa wedding nila.. 🙂
HAHAHAHAHAHA tawang tawa ako!!! Panalo ‘to!
I boycott si tito boy! pinaglololoko niya tayong lahat! pinanood ko din yan! walang kwenta! sana man lag may kwento, wala din!