Ban Hammers
image from Philstar
–
A robbery took place inside SM City North Edsa last Sunday, December 15, 2013, involving the so-called, “Martilyo Gang.” Based on reports, the gang used hammers and crowbars purchased from Ace Hardware inside the mall.
“Ban hammers, crowbars and otherware materials inside malls.”
Eto ang suggestion ni Secretary Mar Roxas ayon sa GMA News. Dagdag pa ni Mar:
“Kung ordinansya ito para makakuha ng business permit or occupancy permit [ang mga mall] then may force and effect ang local legislation dito. Kailangan nilang sumunod,” Roxas noted.
Teka lang… Obviously, resourceful na ang mga kawatan ngayon. Sige, sabihin na nating wala nang mga martilyo at crowbar sa mall.
Paano kung maisip nila ang mga golf clubs? O di kaya walking cane? Ipagbabawal na rin ang golf clubs at walking cane sa malls?
Paano kung para makatakas sa bintana pinagkabit-kabit ng mga kawatan ang mga panty at brief na binili nila sa department store? Ipagbabawal na rin ang panty at brief sa mall?
Paano kung may kasamahan ang mga kawatan na isang amputee na may artificial metal leg tapos yun ang ginamit sa pagnanakaw? Ipagbabawal na rin ang amputees sa mall?
Paano kung sarili nilang lakas ang ginamit? Kunwari meron silang ninja skills at kaya nilang basagin ang mga glass gamit ang kanilang ninja powers? Ipagbabawal na rin ang tao sa mall?
Ipagbawal na rin kaya ang mall?
Pahinga ka muna Mar. Baka na-stress ka lang 🙂
—
–
Leave a Reply