Minsan ko nang nabanggit na malaking bahagi ng buhay namin dito sa BaCav ang mga BANDA NG MUSIKO. Para sa hindi pamilyar, eto yung mga brass bands na may malalaking tambol at giant trumpets na kasya ang maliit na bata sa loob ng bunganga (Di ko alam eksakto tawag dun. Best effort na sa pag-describe yan.)
Kasi dito sa amin, kapag bininyagan, pwede ka magpatawag ng banda. Kung may kinasal, pwede ka magpatawag ng banda. Sa annual fiesta, automatic madaming banda yan. Pag Semana Santa, araw-araw tumutugtog yan sa prusisyon. Todos los Santos, present ang banda sa semeteryo. In fact, kapag may ililibing, kasama ang banda na maghahatid sa huling hantungan.
Pag Pasko, isa lang ang alam kong participation ng banda ng musiko — ang manggising para sa misa de gallo tuwing madaling araw.
Kaya naman nang bandang alas-8 ng gabi, may narinig akong malakas ng tugtog ng banda ng musiko, medyo nagtaka ako. Sinilip ko ang labas ng gate mula sa bintana…at HALA! may isang buong banda ng musiko na tumutugtog sa tapat mismo ng gate namin!!! First time!!! Ang saya lang!
Ang tugtog — “We Wish You a Merry Christmas”
Pero bago namin i-abot ang aguinaldo, at siyempre nakakahiya magbigay ng maliit considering na andami nila, aba sinulit ko muna. Nag-request ako ng “GOT TO BELIEVE”. Pa-joke lang sana. Pero wag ka, alam nila! Award!
#GanyanKamisaBaCav
Maligayang Pasko sa inyong lahat!!! 🙂
banda ng musiko
Leave a Reply