Happy New Year, mga ka-soshalan!!! Mukhang tunay na magiging buenas ang 2014 namin dito sa bahay. Bakit kamo? For the very first time this holiday season, sa halip na nakasahod na palad ang sumalubong sa amin, may nag-abot ng pera!!! Eto oh…
‘Yan si Roel, and aming ever-loyal driver, at hawak niya ang very first “pamasko” na natanggap namin — tumataginting na P300! Pero bakas sa mukha ni Roelski ang pagkalito at pagtataka. Marahil dahil ang nagbigay ng P300 ay si EDWIN.
Pasensya na kayo at wala akong picture ni Edwin. Parang bula kasi naglalaho yun. Pero minsan naman, katulad kaninang umaga, biglang pumapasok sa gate at makikita na lang namin ang mukha niya sa screen ng pintuan sa kusina. Sumisilip. Scary.
Nakakatakot talaga kasi may bisyo daw si Edwin. Medyo malala to the point na nagkadiperensya na siya sa utak.
Edwin: Roel, eto oh. (Sabay abot ng P300.)
Roel: Oh, para saan ‘to?
Edwin: Pamasko ko. Pang-gastos niyo ng amo mo…
at bayad ko na rin sa paglilinis ng kotse.
Roel: Kaninong kotse?
Edwin: Kotse ko.
Roel: Asan ang kotse mo?
Edwin: Ayan oh! (Sabay turo sa kotse ko!!!)
Award! Ito namang mokong na si Roel, tinanggap ang P300!!! Hagalpakan kami ng tawa dito sa bahay!
Roel: Aba, inabot e. Tinanggap ko.
Nene: Patay ka, Kuya Roel! Pag siningil ka nun, P500 na!
Sino nga ulit yung Edwin?
Roel: ‘Yung may topak na taga-tramo na parati sumisilip dito.
Nene: Ahhh! Yun ba ‘yun? Ate P, tuwing nakikita ako nun sa labas,
sinasabihan ako nun.
P: Ng ano?
Nene: “Pakisabi kay P, ‘I LOVE YOU’ kamo.”
Inaaaaaaay!!!
Kinwento ko kay Papa N…
P: Papa N, humanda ka. Mukhang mas galante ang karibal mo.
Cash kung cash! Haha!
Papa N: Hahaha!
Uhm…P, talagang ako lang pala ang matinong
nagkagusto sa’yo noh?
SHAFAL!!!
Ah basta magaganda kami dito sa bahay. Dahil kung si Nene may SPRITE na nag-aalay ng tilapia at asin, ako naman may EDWIN na salapi ang dala. Haba ng hair!!! 🙂
—-
Leave a Reply