Bilang mga super tagasubaybay kami ni Nene ng Got To Believe at certified KathNiel fans, naisipan naming mag-feeling “Chichay” for a night at dumayo sa isang PERYA!!! Matagal na naming plano ‘to pero nitong Christmas season lang may napadpad na perya malapit sa’min. Kaso lang, kung sa G2B ay “Piedra’s Perya” ang ngalan, medyo baduday yung napuntahan namin ni Nene…“PASKUHAN SA LUNGSOD NG BACOOR”. Ang chaka. Ewan kung sino nakaisip ng title. Pangalan pa lang, parang walang “magic”.
.
Pero nagkamali kami. Dahil pagpasok pa lang, nanumbalik ang lahat ng ala-ala ko noong dekada 80. Noong panahong musmos pa ‘ko at kinakasangkapan ng aking “yaya” para makapunta kung saan-saan at makipagtagpo sa jowa niya.
ANG SAYA!!!
Unang bumungad sa’min ay walang iba kundi ang HORROR TRAIN!!! Madilim…at…madilim. Wala naman pala kasing laman yung tunnel kundi dalawang tao na manghihila ng manggas mo. Pero F na F pa rin namin. Feeling namin sina Kuya Nanoy, Kuya Whitey at Bubbles ang nananakot. Hehe.
Ang daming game stalls! At wala kaming pinalampas…kahit isa!
Ang BALLOON POP
Pero tunay na darts na ang gamit. Soshal! Ang naaalala ko kasi, yung improvised darts na gawa sa pako, kahoy at makukulay na balahibo ng kalapati. Mas challenging sana yun kasi walang direksyon ang tira. Haha!
.
–
Next ay ang TARGET SHOOTING
Inabot sa amin ang pellet guns. Kaso pareho kaming aanga-anga at di marunong. Buti na lang sinampolan kami ni Kuya sa tabi.
.
.
RING THROWING
Ang hirap nito ha. Kaya pala wala masyadong sumusubok. I guess malas talaga ako pagdating sa mga “singsing”…ehem ehem Papa N.
.
CAN KNOCKDOWN
Isa pa ‘to! Ang hirap din tapos kung swertehin ka at mapatumba mo lahat ng cans sa isang bola, ang premyo mo ay walang iba kundi maalikabok na stuffed toy! Ganun na siguro katagal na walang nananalo.
–
.
.
Dami pang game stalls. Pero ang ultimate favorite ko…at sure akong favorite niyo rin ‘to…ang walang kamatayang…COIN TOSS!!!
.
Sobrang buenas dahil nanalo ako ng plato at mug! Muntik pa akong mapaaway nang kwestiyonin ang pagpasok ng coin ko sa “Plate” mark kaya pinicture-an ko pa ito at z-in-oom para malinaw. Ayan oh!
.
–
Parang nasa US Tennis Open at Wimbledon lang ang peg.
Di rin namin pinalagpas ang BINGO!
.
Ayan nga si Papa Bear oh. Siya ang taga-bola at very willing pang pumose for me!
Pagkatapos, merie-merienda muna pag may time…
May buwis-buhay stunt din kami ni Nene. Mantakin mong sumakay kami sa FERRIS WHEEL?!
.
Nene:
Sakay tayo dyan, Ate!
.
P:
Inaaaay! Di ba tiyak na kapahamakan ang hanap natin dyan? Atsaka pag napahamak tayo, bago ata tayo itakbo sa ospital ni Father Thunder, babatukan niya muna ako sabay sabing “Naturingan ka pa namang abogada, ano bang pumasok sa kukote mo?!”
.
Nene:
Pero parang masaya ate e!
.
P:
Sige na nga. Tutal, mababa lang naman ‘yan. Kung mahulog tayo, mababalian lang. Gow!
.
Samu’t-saring tao ang makakasalamuha mo sa perya. May girl, boy, bakla, tomboy. May mayayaman at kaya tumaya sa NUMBERS GAME nang halagang thousand thousand pesos…
Meron din namang napag-utusan lang bumili ng Mang Tomas at ipinang-taya muna sa Bingo ang sukli…
Ang masasabi ko lang, walang binatbat ang Disneyland at Universal Studios sa hatid na saya ng Pinoy-style theme park natin — ANG PERYA!!!
yan po ba yung malapit sa Shakeys Bacoor? malapit po kami dyan Ms.P…taga Bacoor din po ako eh…small world! lol…:-D