Naka-schedule kami mag-date ni Papa N one Friday night. Ang kaso, si Atekupungsingsing, alas-6 pa lang ng umaga, bihis na at ready na sumama sa’kin sa office that day. (Parati na kasi siya tumatambay sa office. Nalulungkot daw siya sa bahay.) E ano magagawa ko? Edi bitbit namin si Ate sa date! Naisip ko, tutal, kasama na rin si Ate, aba, isama na rin si Father Thunder para kumpleto! In short, naging family affair ang date. Buti na lang understanding si Papa N. 🙂
Ilang linggo na rin kasi nagre-rave si Papa N about this new Korean barbecue place na pinupuntahan niya with his family. Favorite daw kasi dun ng pamangkin niya. K-PUB BBQ sa Fort Strip, BGC, Taguig City. Katabing-katabi lang siya ng kontrobersyal na Prive.
Pagpasok pa lang sa K-PUB, parang gusto ko na mag-pose nang naka-peace sign! Interiors, music at vibe, Koreanong-Koreano.
.
–
–
Buffet pala ang labanan sa K-Pub. Meat-all-you-can! Expertise ng Familia Provinciated ‘yan! May dalawang options.
1. EAT and RUN
–
–
For P499 per head, you can order and enjoy a variety of marinated pork, beef and chicken strips/slices na ikaw mismo ang magluluto!!! Masaya siya…unless gutom na gutom ka na. Medyo matagal kasi uminit ang grill. Pero pag nakabuwelo naman, tuloy-tuloy na!
Other than the meat choices, may complimentary K-pub condiments, lettuce, side dishes, soup at rice (plain or kimchi rice) pa!
Ang catch, you only have 1 HOUR. Pero don’t worry, the time starts once nilapag nila ang meat orders mo. Plus, pwede ka nang umorder nang umorder ng kaya mong ma-lafang kahit maubos mo siya beyond the 1 hour-period. Siguraduhin mo lang na hindi ka takaw-tingin dahil bawal ang left-overs.
2. NO LIMITS
P899 naman per head but you get a better variety of meat choices at mas ok ang cuts/marinade ng beef, pork at chicken dishes. At wala na ring time limit.
Bilang hindi naman kami masyadong maselan at di rin kami matagal ngumuya ng pagkain, dun na lang kami sa EAT and RUN. Tumodo order na kami agad. PATAY-GUTOM MODE ON!
–
–
–
–
–
Winner para sa’kin ang kimchi rice, marinated chicken fillets (yung hindi spicy ha) at steamed eggs.
Try niyo promise!!! Sure akong hindi kayo magso-“Sorry Sorry Sorry” ng Super Junior at baka mapa-“Gangnam Style” pa kayo ni Psy. 🙂
Facebook: K-PUB BBQ
Website: http://www.kpubbbq.com/
Contact Person: Mr. Jay Espinosa – Marketing / Event
Address: 28th Street cor. 5th Avenue, Bonifacio Global City, Taguig
Telephone No. : +63.2.847.1961, +63.2.847.3098, +63.917.821.4930
Email Address: jay.espinosa@kpubbbq.com
Leave a Reply