Last Friday, bago umuwi, pinilit kong dumaan sina Papa N at D sa isang tindahan. Nangangati kasi ang palad ko. Parang gusto ko magwaldas ng limpak limpak na salapi. Di ko na kasi masara wallet ko sa kapal e. Kaya saan pa best gawin ang first big purchase ko for the year 2014 kundi sa Beyond the Box (Apple Store).
–
\
–
Pagpasok namin sa loob, siguro limang attendant ang agad-agad sumalubong sa amin. Nalanghap siguro nilang amoy pera kami.
–
Sabi ko, “Chill lang kayo. Relax. Alam ko naman na kung ano ang bibilhin ko e.”
–
Ano kamo binili ko? Aba, big purchase talaga! Sabihin na nating sa sobrang bigatin ng binili ko, baka maka-quota na ang Beyond the Box for the month of January.
–
So ano nga binili ko?
–
–
Eto..
–
–
–
Ga-kulangot na cable.
–
Hehe. 😆
–
omg lakas ng tawa ko dto!
HAHAHAHAHAHAHAHA :)) Gusto ko yung nagpicture pa kayo :))
Kapal eh noh. Tapos cable lang binili. In fairness, mababait ang staff ng Beyond the Box 🙂
lol!!!!