R had the brilliant idea to go to Scream Park sa may Macapagal Avenue. Ewan ko naman kung bakit naisip-isipan eh sya ‘tong isa’t kalahating matatakutin at pasmado pag ninenerbyos…
–
So pasok kami sa haunted mansion. Walang gustong mauna dahil saksakan talaga ng dilim. Pagsara ng pinto sa likod namin unti unti kaming umusad…nangangamba. Hanggang ayan na, naglabasan ang dalawang zombies…ang lalakas ng tili ng kasama ko at parang ang lalakas manulak…
–
Syempre ano ba dapat instinct mo pag may humahabol na zombies?!! Malamang you just want to get as far away as possible… may nakita akong hagdanan at nagsunuran ang mga kasama ko…
And above all the peircing screams and expletives may nangibabaw na boses:
ZOMBIE:
“Hindi po pwede dyan. Dito po ang daan.”
–
Bwahahahahahaha!
–
Leave a Reply