Hapon last Sunday, nakatambay kami sa terrace nina Father Thunder at Papa N. Biglang pumasok sa gate si Sprite. (Para sa mga bagong salta sa TSN, eto ang link: http://thesoshalnetwork.com/2013/05/08/watpion-sprite/. Kilalanin niyo si Sprite.) Ang angas ng dating. Nakataas ang manggas ng t-shirt niya. Obvious na may pinapakita. Eto oh…
tattoo fail
Ang laki ng tattoo! At mamula-mula pa! Fresh na fresh. Inurirat ko tuloy si Sprite.
P: Ayos ang tattoo mo ah! Ang laki!
Sprite: Oo nga.
(Ita-translate ko na lang ang salita niya bilang medyo garalgal
ang lolo mo.)
P: Kelan pa ‘yan? Ang pula pa e!
Sprite: Kahapon lang.
P: Sino gumawa?
Sprite: Taga-Tramo…
(“Tramo” ang tawag sa looban namin sa barangay.)
P500 yan!
P: Nagbayad ka P500?! Edi dyan na lang napunta ang pinamasko mo?!
Sprite: Oo, P500.
Ayos na sana e. Kaso…
P: Teka, sino ba ‘yang pina-tattoo mo?
Sprite: (Nagkibit-balikat lang…)
P: Huy! Sino kako yang pina-tattoo mo?
Sprite: Ewan ko. Naka-nguso.
P: Oo nga. So sino nga ‘yan? Hindi ba ikaw yan?
Sprite: Hindi.
P: Baka tatay mo ‘yan?
Sprite: Hindi.
P: E sino nga yan?
Sprite: Ewan. Basta naka-nguso.
P: Tinamaan ka ng magaling!!!
Nagpa-tattoo ka ng hindi mo kilala kung sino’ng
Pontio Pilato yang nasa braso mo!!!
Sprite: Hehe… 🙂
Papa N: Maigi pa si Nene na lang pina-tattoo mo.
P: Oo nga!!! Bibigyan kita ng picture ni Nene. Ipa-tattoo mo sa kabilang braso ha.
Sprite: Sige ba! P500 din.
P: P300 na lang. Payag ka?
Sprite: Oo naman! Mahal ko yun e!
NENE!!! ANG HABA NG KULOT NGUNIT INUNAT MONG HAIR!!!
Pag napa-tattoo na ni Sprite ang kagandahan ni Nene, ipapakita ko rin sa inyo. Hahahahaha!!!
Leave a Reply