Earlier sa TSN, nakita niyo na ang King and Queen ng mga GGSS, or mga Guwapong-guwapo or Gandang-ganda sa Sarili, respectively.
But wait, there’s more! Introducing, GGSS-TE/MNMAP! Ang haba na ng mga acronym, may mga slash at dash na rin ngayon!
GGSS-TE/MNMAP stands for Guwapong-Guwapo Sa Sarili-Tandercats Edition/Matanda Na May Asim Pa! And in this category (kung saan ang award ay 20% discount sa public transportation and basic goods like bread and sugar), ang leading candidate ay si Gabby Concepcion!
Let’s check out his instagram. Take note ang handle (concepciongabby), dahil nalito rin ako nung una. Puwede kaseng Abby Concepciong (Sino yun? Concepciong ano?!). Anyway.
Mukha talagang gustong patunayan ni Gabby na hot siya noon, at hot pa rin siya ngayon. Point well-taken.
–
–
–
–
––
–
Well-taken rin ang point na wala na siya masyadong projects ngayon at may time pa siya gumawa at magdesign ng mga photo arts niya like this one:
–
San ka pa? Feeling Katy-Perry song like. Go Gabby, show’em what you’re worth, make ’em go aah, aah, aah, as you shoot across the sky-ay-ay!
Uhm, may mga jeje moments rin pala ang mga tao kahit nagtagal sa abroad.
At para ipakitang masang tao rin siya at hindi siya mapangmata at matapobre at talagang pantay-pantay ang tingin niya sa mga tao regardless of class or whatever, may picture rin siya with these kuya guards:
Medyo ginawa nga niya lang silang background at blinur niya sila at pinaitiman at parang ginawang anino, pero di ba, ang bait niya?!
At aba, ano itong ni-log niya sa logbook ng mga manong guards?
Oh well, kanya-kanyang trip lang yan.
Here are more pictures of Gabby proving na kaya pa rin niyang maging modern-day matinee idol.
–
–
–
–
Oo, wala na kaseng age limit ang maging matinee idol. Hindi na bale na marrying age na ang anak mo (several years ago pa), dahil kung si Gabby Concepcion ka, puwede mo pang isyota sa TV mga kabarkada ng anak mo!
And of course, ang choice of drink niyan, Sustagen Premium no less! Ang taray ng lolo mo!
(Literal na lolo mo!)
Aminado naman na yata ang erpats ni KC na matanda na siya, at di niya kayang sabayan ang mga pull-ups at imbentong posing ni Carlos Agassi, ang reigning GGSS King. Kudos pa rin sa kanya dahil in fair, well-maintained ang kanyang physique and good looks!
–
Age ain’t nothing but a number naman daw, diba? Ituloy mo ang yan, tutal naka-Sustagen Premium ka naman okay na yan!
Basta, laging tandaan, always present a government-issued ID bearing your name, birthday, and signature!
Muwahugskthnxbye!
Oops, mano po pala!
DAMPOGI naman Talaga eh!!!y
DAMPOGI naman Talaga eh!!!