Nahuli ka na ba ng pulis dahil sa traffic violation? Karamihan sa atin, for sure, oo. Kung hindi ka pa nahuhuli, aba, mahusay ka! Ang tanong, saan ka mahusay, sa pagmamaneho o sa pagdadahilan?
Aminin natin, minsan, dala ng sheer katangahan kaya tayo nagkaka-violation. Tao lang naman tayo, nagkakamali. Merong nakakalimot mag-seatbelt o nakaligtaan na coding siya. Merong di alam na bago na pala ang traffic rules, merong naliligaw sa one way. Iba-iba ang dahilan. Kaya naman, iba-iba rin ang diskarte. Eto ang ilan…
1. Maang-maangan
Naku, eto ata ang pinaka-common. Alam mo namang nag-beating-the-red-light ka pero kapag hinarang ng pulis at pinatigil sa gilid ng kalsada…
X:
Ibababa ang bintana sabay sabing…) Bakit po, boss?
–
Enforcer:
Boss, pula na po e, dumirecho pa kayo.
–
X:
Ho?!?! (na tila na-discover na ang gamot sa cancer) Hindi ko po nakita. May truck po kasi sa harap ko. Hindi ko nga po alam na may traffic light dyan e. Hindi ko po talaga alam, boss. Sorry, sorry, sorry.
–
–
–
–
–
–
2. Turo-turo
–
Enforcer:
Prrrrrrrt!!! Boss, nag-swerving po kayo.
–
X:
Swerving??? E sumunod lang ako dun sa taxi e! Tapos yung truck na nasa harap ng taxi, ganun din ang ginawa. Bakit di mo sila hinuli? Hulihin mo muna sila bago mo ko hulihin! Nauna kaya sila mag-violate! Ayun oh, may tumatawid na wala sa pedestrian lane. Hulihin mo yun ng “jaywalking”! Yung mga tindera sa bangketa, obstruction sa kalsada yan ah! May dumura, bawal din yun! Hulihin mo rin. Hulihin mo silang lahat!!!
–
–
#KapwaKoMahalKo
3. Drama
Enforcer:
Miss, one way po itong kalsadang pinasok niyo.
–
Miss:
(May nangingilid na agad luha) Kuya!!!! Wag niyo po ako hulihin! Parang awa niyo na!!! Kapag hinuli niyo po ako, magkaka-record na ang pangalan ko. Habambuhay kong pagdurusahan ang maliit na pagkakamaling ito. Baka hindi pa po ako maka-graduate kapag nalaman ito ng Dean namin. Paano pa po ako makakahanap ng magandang trabaho?! Ang pamilya ko, kuya! Umaasa sila sa’kin! Nagmamakaawa po ako sa inyo. Para niyo nang awa…
–
–
#PasanKoAngDaigdig
4. Angas
–
–Enforcer:
Sir, di po kayo naka-headlight. Delikado po yan kapag gabi.
–
X:
Di mo ba ko kilala? Kamag-anak ako ni Mayor!
–
Enforcer:
Pasensya na po kayo, boss, pero ginagawa lang po namin ang trabaho namin. Para rin naman po sa safety niyo ‘to.
–
X:
Pambihira ka, so hindi mo nga ako kilala?? Magagalit sa’yo si Mayor niyang ginagawa mo. Isusumbong kita, gusto mo?
–
Enforcer:
(Siyempre mapipikon na rin.) E ka-ano-ano niyo po ba si Mayor? Kasi hindi ko po talaga kayo kilala e.
–
X:
Aba, hindi mo ba alam na girlfriend ko ang pamangkin ng pinsang buo ng inaanak ng kapatid ni Mayor??? Kaya magtago ka na!
#SarapSapakin
–
–
5. Nosebleed
Ingglisera:
What seems to be the problem, Mr. Enforcer?
–
Enforcer:
Uh…Coding.
–
Ingglisera:
Coding? Oh, you will have to pardon me, sir. I just arrived from a meeting in Hong Kong and I’m trying to catch another appointment with my broker who’s handling my portfolio.
–
#TissuePlease
–
6. Taray
Ito ay hango sa tunay na buhay ni Mother Earth. Dalawang beses niyang ginawa ‘to. Dalawang beses din effective.
Enforcer:
Ma’am, bawal po kumanan kapag red light.
–
Mother Earth:
Wala namang karatula dyan ah.
–
Enforcer:
Matagal na pong rule yan dito, ma’am.
–
Mother Earth:
Atsaka kanina pa ko nakatigil dyan sa kanto. Naka-signal akong kakanan ako. Tinitignan kita kung pwede. Hindi ka naman kumikibo. Tapos nang kumanan ako, bigla mo kong huhulihin. Ang sabihin mo, talagang naghihintay ka dyan sa pwesto mo para may magkamali. Kaya ka nandyan sa kanto kasi nag-aabang ka talaga. Hindi naman traffic dito, dito ka nakatambay. Doon sa intersection ng EDSA, buhol-buhol ang traffic pero nasan ka? Nandito!!! Bakit hindi ka pumunta dun sa EDSA at tumulong ka mag-ayos dun. Hindi yung nakatambay ka dito at naghihintay ng mahuhuli!!!
–
#AngSilakboNiMotherEarth #Afraid
Hindi ko naman sinasabing mag-experiment kayo, mag-violate ng traffic rules at subukan kung uubra ‘tong mga example ko. Mga hango sa kwento lang naman ‘yan. Pinakamaganda pa rin ang sumunod sa batas trapiko para walang hassle at malayo sa disgrasya. Divaaaaah?! Stay safe everyone! 🙂
(photos from google)
–
–
You’re so funny, P!!! Bentang-benta!!! =D
Pasensya na talaga manong, natatae na talaga ako!
Works like a charm.