To celebrate our 5th year wedding anniversary, Papa O and I spent the day at the Solaire Resort and Casino last Friday.
Si Papa O actually ang nagyaya sa Solaire. Nagulat nga ako, kasi I was expecting na bibigyan na lang niya ako ng aparador o mga muwebles na kahoy. Wood raw kase ang element ng fifth wedding anniversaries, so dapat mga kakahuyan daw ang ibigay. So it came as a pleasant surprise na lumabas kami somewhere nice for our anniversary. Sa mga di pa nakakaalam, hari sa kakuriputan kasi ang asawa ko. Read about Papa O, the Minimalist.
Anyway, first time namin makapunta sa Solaire. Pagkapasok namin na-impress kami agad sa interiors. Mukhang mahal. Pinagpawisan si Papa O, baka naisip niya na sana nga tinuloy na lang niya yung aparador. Ang shala, pati mga staff mukhang models. Muntik na ako magpa-celebrity pin-up sa isa. Akala kasi ni Papa O, si Shamcey Supsup!
Although the place was very nice, wala nga lang masyadong ibang puwedeng gawin sa Solaire kung di kumain at magsugal.
We had lunch at the Red Lantern. Ang soshal!
Mejo sulit naman ang price kasi ang sarap ng food 🙂 Here’s what we ordered:
Imperial hot and sour Szechuan soup with seafood
Dim Sum platter
Wok fried prime beef with black pepper sauce
Sweet corn and asparagus fried rice
We loved the food and the service. Hindi kami diniscriminate ng servers hahaha! Tama lang naman. Medjo weird na kung may discrimination pa rin against me sa isang Chinese restaurant. Di ba?!?!
After lunch, tiningnan namin ni Papa O kung suwerte kami sa casino.
Lesson learned, don’t gamble. Naubos ang limpak limpak naming… este isang libong piso. Parang 20 lang na pindot sa slot machine, ubos na ang P1,000. Pakshet! Sana pala pinunit punit ko na lang siya to begin with or sinunog para makita kung anong kulay ng perang nasusunog, baka mas-natuwa pa ako doing that! Bakit kase maraming na-addict sa casino eh sobrang sayang sa pera? Kaya bago pa kami maka-develop ng gambling addiction on our fifth wedding anniversary ay we called quits on that and just enjoyed Solaire with our wallets intact. And besides, baka nga one of these days kailanganin ko rin yung aparador na yun. Hehe 🙂
Anyway, thanks ulit Papa O at di ka nagkuripot nung Anniv natin 🙂
Solaire Resort and Casino
1 Asean Avenue, Entertainment City
Tambo, Paranaque City 1701
Philippines
http://solaireresort.com/
Leave a Reply