In the tradition of trendy, dapat-laruin-nating-lahat ng games sa cellphone, usong-uso ngayon ang game na Flappy Bird, ang apparent successor ng time hole na Candy Crush.
At dahil na-curious ako sa kung ano ba itong Flappy Bird, nag-download na rin ako ng app na ito.
Ang mechanics ng game ay dapat i-tap ang spaces around the bird para continuously siyang lumipad.
Kase naman, kung hindi mo sya i-tap on time, mahuhulog siya like this:
Ang Flappy Bird, naging Floppy Bird!
Ang obstacle ng paglipad ni Flappy Bird ay ang mga pipes. Naisip ko tuloy, anong klaseng laro ba ito? May birds na nga, may mga tubo pa?! Kelangan hindi tumama ang bird sa pipes. Otherwise, dedz sya.
Nilaro ko ang Flappy Bird for 2 hours, at ang best score ko? 4!!! Ako na ang walang focus. Ako na ang mahina sa Flappy Bird. Bakit nga ba sikat ang larong ito?
Sabi nila, masaya masaya ang Flappy Bird! HINDI SIYA MASAYA!!! Stress levels siya!!! Tuwing naririnig ko ang pag-crash ni Flappy Bird, may nalalagas akong buhok! I want to save the bird, I want the bird to fly! I want the bird to keep flapping, and flapping, until boom, ma-achieve ni Flappy Bird ang goal niya.
Pero wait, ano nga ba ang pinaglalaban ni Flappy Bird?! May treasure ba sa katapusan?! May katapusan nga ba ang larong ‘to?? Magbabati ba ang Flappy Bird at ang mga tubo?
In the end, parang magkakakalyo lang ang hinlalaki ko sa larong ‘to na wala naman akong na-achieve sa life. Hindi dapat siya tinawag na Flappy Bird. Dapat Angry Bird kasi nakaka-ANGRY ang larong ito! Actually, mas masaya ang Angry Bird kaysa sa Flappy Bird kahit sa real life, di ba? 😉 Dinisappoint mo ako, Flappy Bird. And for that, di na kita i-ta-tap-tap.
Ika nga ni Maja….
hahaha nakakaadik talaga ang larong ito.
Naku buti na lang hindi touch screen ang phone ko,,baka hindi lang mura magawa ko, pag ako naglaro niyan…lol #laslaspulso
HAHAHAHAHAHAHA! Ako 15 na highest ko! 🙂
Di na ako makikipagcompete sa yo hahahaha! Shet!
The undertones, Ms. D, malupit… 🙂
Huh? ;-P
haha! Ms. D humagalpak ako ng tawa! mga bente! :p nag download ako din game app na yan, akala ko kasi madali! OO, madaling magmura ng $5#*^&#$@%.. juiceKo po Lord!
Nakaka-nega vibes ang game! Hahahahaha!