Nakwento ko sa inyo si M, ang Teenage Mutant Ninja Turtle Fan/Human Cannonball kong classmate noong elementary. Ngayon naman, ikukuwento ako sa inyo ang isa ko pang naging kaklase noong elementary. M din ang initial niya. Kaya “M2” ang itawag natin sa kanya. Kung si M ay biktima ng bullying, si M ang bully ng buhay ko noong 2nd Quarter ng Grade 4. Buti na lang isang quarter lang.
May katamaran kasi mag-take down ng notes itong si M2. Kaya ang gagawin niya, kapag tapos na ako kumopya sa board, hihiramin niya ang notes ko. Minsang nainis ako sa kanya…
M2: Akin na nga notes mo. Kokopyahin ko.
P: E bakit hindi ka nagsulat kanina?
M2: Ah basta, pahiram!
P: Ayoko!
M2: Ayaw mo ha…
Huhugutin niya ang marungis niyang mga kamay, didilaan ang palad mula pulso hanggang daliri, tapos akmang ipapahid sa braso ko…KADIRI DIBA?!?!
M2: Ano, ayaw mo pa rin ipahiram sa’kin?
P: Kadire ka!!! Eto na! Pero wag mo hahawakan ha. Basahin mo lang.
Qualified na ba as bullying yun? I believe it was a “physical act or gesture directed at another student that has the effect of actually causing or placing the latter in reasonable fear of physical or emotional harm or damage to his property”. (Republic Act No. 10627, also known as the Anti-Bullying Act of 2013)
Muntik na kaya ako mamatay sa germs niya!
Ako man, guilty rin sa bullying na ‘yan noong kabataan ko. Pero swear, wala pa akong masyadong diwa nang ginawa ko ‘to bilang Senior Prep pa lang ako nun.
Hindi naman kasi ako mestiza, maputi o matangos ang ilong. Ang tanging alam ko lang na asset ko noong bata ako ay ang aking mga mata. Maganda daw. Kaso, may pumasok sa school kong anak ng foreigner. Itago natin siya sa initial na T. Ang tangos ng ilong, puting puti, may freckles pa nga, blonde hair at…blue-eyed.
Teacher:
Class, I want you to meet T. He’ll be your new classmate. Look at him. Ang cute cute niya diba? Ang ganda ganda ng mata!
Nagpanting ang tenga ko sa sinabing yun ng teacher! Hindi pwede! Iisa na nga lang ang source of pride ko, aagawin pa nitong bagong-salta na ‘to! Hindi ako makapapayag.
Kaya during recess, ewan ko ba kung ano’ng pumasok sa kukote kong musmos, at kumuha ako ng stick. Habang umiikot si T sa carousel sa playground, tinusok ko siya sa mata! Pakibatukan nga ang batang ‘to!
Buti na lang hindi ako asintado! Namula lang ang kaliwang blue eye ni T. Todo iyak siya. Todo iyak din ako…sa takot! Napaka-inggitera kasi.
Morals of the stories:
- Wag madamot sa notes.
- Wag insecure.
- Wag bayolente.
- Kung gusto ko talaga ng blue eyes, mag-contact lens na lang. Merong disposable na nabibili, P100 lang. Di pa ko madedemanda.
bullying effect, nanakit ng kapwa.. aminado ako dun eh! hahaha