Meet Aling Linda. Isa siya sa mga angels ni Mother Earth noong politicians pa siya. Kasa-kasama ni mudra sa pangangampanya at pag-ikot sa lahat ng binyag, birthday at patay sa mga barangay. At kahit wala na sa puliika si mommy, madalas pa rin siyang dumadaan sa bahay lalo na tuwing nakikita niya si mommy na nakaupo sa terrace. Ipapatawag siya ni mommy, bibigyan ng bigas at bagoong (favorite daw niyang ulam yun) kapalit ng chismaks.
Kaya naman ganun na lang ang pighati ni Aling Linda nang mawala si mudra. In fact, nung araw ng libing, inagawan kami ng eksena niyan. Bigla ba namang nanigas ang katawan at hinimatay! Taob kaming lahat!!! Naiintindihan naman namin dahil sa tinagal-tagal, at sa hirap ng buhay ni Aling Linda, parating si mother ang takbuhan niya.
Mula nga nang mawala si mommy, di na rin siya masyadong pumapasyal sa bahay. Siguro nalulungkot…o nahihiya. Kaya laking gulat namin noong Balenstimes Day, biglang nag-return of the comeback si Aling Linda! Biglang pumasok sa gate at humingi ng bagoong. We missed you po!!!
Teka, nabanggit ko na bang MALI-MALI siya? Para sa hindi nakakaalam, yung mali-mali ay taong magugulatin to the highest performance level. Kaya sa sobrang pagka-miss namin, nakatuwaan namin siya.
P: (Pasigaw) KAMUSTA KAYO?!!!
Aling Linda: AY! KAMUSTA! P@&$ KA! AY HINDI! ANO BA?!
Nene: (Pagulat) BAGOONG!
Aling Linda: PENGE! P@&$ KAYO! P@&$ KAYONG LAHAT! AY SORRY!
Sorry, pahingi nga ng bagoong…
Roel: (Bumusina sa koche)
Aling Linda: T@R@NT@DO KA! P€P€ KA! AY HINDI! P@&$ KA! AY HINDI!
Sanay na si Aling Linda na binibiro namin siya nang ganun. Pero nakakapagod din siguro magulat ALL THE TIME.
Sa madaling salita, humingi siya sa amin ng bagoong at bigas. Tamang-tama naman, hindi nagalaw ang sinaing na kanin ni Nene noong gabi. Nilabas namin ang kaldero kay Aling Linda para maiuwi niya. Eksakto, may natira pa kaming adobong pusit. Ininit ni Nene. Habang naghihintay sa ulam, nagulat na lang ako at biglang dinakot na ni Aling Linda ang kanin at sinubo. Gutom na gutom na raw siya.
Noon ko naisip na kaya siguro siya hindi na madalas dumaan sa bahay ay dahil nahihiya lang siya. Pero dahil kumakalam na ang sikmura niya, talagang nag-lakas-loob na siyang humingi ng makakain.
P: Oh, bakit gutom na gutom ata kayo?!
Aling Linda: (Habang namumuwalan sa kanin) Lugaw lang kasi kinain namin kagabi e.
P: Huh? Teka, hintayin niyo na yung ulam. Iniinit na ni Nene.
Aling Linda: Ayos na ‘to. Iuuwi ko na lang yung ulam.
P: Bakit, sino ba nasa bahay niyo?
Aling Linda: Si Ador (asawa niya) at apo ko. (Sabay subo ulit ng kanin)
P: E asan ang mga anak niyo???
Aling Linda: Pinabayaan na ‘ko.
Dito na bumuhos ang luha niya. Pero habang umiiyak, panay pa rin ang subo niya ng kanin. Nadurog ang puso ko. Eto ako, Balenstimes Day, at ang iniisip ko ay kung saang maganda at mamahaling restaurant ako dadalhin ni Papa N. Habang si Aling Linda, masayang masaya na sa malamig na kanin, bagoong, at pinitas na kamias sa likod-bahay.
P:
Tama nang iyak ha! February 14 pa naman ngayon! Dapat masaya. Basta sumasakit ang tiyan o nagugutom, pumunta kayo dito. Andyan naman parati si Nene. Tignan niyo nga’t payat na payat na kayo.
Aling Linda:
Ate Cecy!!! (tawag niya kay Mother Earth) Maraming maraming salamat po!
I’m sure napangiti si mudra.
P:
O siya, kumain lang kayo dyan at mauuna na po ako. Ayoko na ng naiyak ha. HAPPY BALENSTIMES DAY!!! (di ko natiis)
Aling Linda:
AY HAPPY! OO, HAPPY! HAPPY BIRTHDAY! HAPPY THREE KINGS! AY MALI! MALI! MALI!
Hahaha!
Isang kwentong may kurot sa puso… sa Buwan ng mga Puso. Happy Wednesday everyone and have a great workweek ahead! 🙂
Isa ito sa mga pinaka-favorite kong post mo Ms. P. Akala ko mala-Sprite na puro tawa pero sa huli, napaiyak ako. Kasi same tayo ng sentiments nung 14, kung ano ang ibibigay sa akin at saan ako ide-date ni hubs. Haayyyy. God bless you Ms. P and Aling Linda and her family. Sana pagbalik niya mag-post ka ulit about her 🙂
Thank you!
PS. Na-engganyo (read:pilit) ko na si hubs magbasa ng blog niyo, siyempre yung da best blog post mo about kay strike while bora is hot ang nagpatawa sa kanya ng bongga, pati mga staff niya pinagbasa niya noon, tawa daw sila ng tawa 😛
Please send naman ng link nung strike while the bora is hot post, I don’t think there’s a search function on this site or di ko pa siya nadiskubre. Thanks in advance!!
Ito po yung link:
http://www.thesoshalnetwork.com/2014/01/28/pulis-pulis-hulihin-si-deniece/
thanks thanks!! eto pala yon, i thought may ‘strike while the bora is hot’ talagang post hahahaa actually magandang title nga yon. eto nga ata ang unang article that i read sa blog niyo and i even made a comment na ‘pulis pulis’ ang gateway post ko sa inyong whole blog. i ended up reading one post after another dahil sa “pulis pulis”.
P, nakurot nga ang puso ko sa kwento ni Aling Linda! Buti na lang at nandyan kayo. 🙂 Yes, im sure nakangiti si mother earth.
I always enjoy reading your stories because of the wit and humor and I was sort of expecting it when I started reading the article; pero in the end napaluha ako. Ang galing niyo po magsulat kasi nakukuha niyo emotions nang mga tao.
Salamat TK! Minsan kasi magandang nakakakilala ng mga taong katulad nina Aling Linda para maiba naman ang perspective natin sa buhay. Buti nagugustuhan mo magbasa ng blog. Thank you ulit!