Patapos na ang Feb-ibig pero di ko pa pala nakukuwento sa inyo ang Balenstimes date namin ni Papa N. Surprise daw kung saan. Sa loob loob ko naman, basta may waiter na lalapit sa table namin, ayos na. Atsaka siyempre, gusto ko ng flowers. Hehe.
Dahil traffic, sa Rockwell na kami nagkita. Dun daw kasi yung resto. Medyo kinabahan ako. Baka kasi sa Pepper Lunch na naman kami kakain. Peyborit kasi ni Papa N. E diba sa counter umoorder dun? Di ko bet.
Kaya laking tuwa ko na lang nang sa RAMBLA kami pumunta. Naririnig ko na yun pero di ko pa nasubukan. Napangiti ako. Proud na proud si Papa N kasi nag-research pa raw siya kung saan maganda pumunta and that Rambla is one of the Top 10 restos in the metro daw.
Rambla is tagged as a modern eatery and boasts itself of an open kitchen, specializing on Mediterranean Catalan cuisine — para sa mga hindi sophisticated tulad ko, in other words, Spanish food.
For starters, we had bread. Tinapay na sinasawsaw sa mantika, sukang itim at paminta. Masarap siya. Lalong masarap nang malaman kong libre. 🙂
Being first-timers, we asked the very accommodating attendant what she recommends. Must-try daw ang Slow Crispy Suckling Pig with Mustard Sauce & Bok Choy (P695).
In the wise words of Dora, “MUY DELICIOSO!!!”
We also had the Arborio Rice Risotto, Parmesan Cheese, Roasted Chicken & Prawns (P595). Kung gaano kahaba ang title ng dish, ganun din siya kasarap.
Another signature dish is the Tagliatelle “Al Nero Di Sepia” & Scallops (P595). It’s pasta in squid ink. The scallops were cooked to perfection. Feeling ko kahit si Gordon Ramsay, matutuwa.
Note: Hindi ito pwede order-in on your first date ha. Unless di mo type yung ka-date mo.
And for dessert, we had the For Chocolate Lovers (P275). Lovers kasi kami ni Papa N. Pero isa lang sa’min ang kulay chocolate.
There are 7 chocolate elements to the dish, including a cookie, a brownie, ice cream and sauce. Ang tanong, natuwa ba kami? Hindi! Hindi namin tinigilan.
Service, ambience, food, lahat check! Except…may napansin ako.
Lumingon ako sa kaliwa…
Lumingon ako sa kanan…
Tinignan ko ang kaharap ko…
Pati yung nasa likod ko…(Uri Singla, Owner of Rambla)
LAHAT SILA TISOY AT TISAY!!! AKO LANG ANG BUKOD-TANGING SARAT ANG ILONG, INDIO, HAMPAS-LUPA, ALIPING SAGUIGUILID!!! Pambihirang buhay ‘to.
RAMBLA Location:Ground Floor at Joya Building, Joya Drive, Rockwell, Makati City Tel. No.:+63 9266909774 / +63 2 8236468 Email: info@rambla.ph facebook.com/ramblaph twitter.com/ramblaph instagram.com/ramblaph
Ang yaman talaga ni papa N! Nag ibang bansa pa kayo for Valentines! 🙂 hahhaha! Kudos to papa N for picking a good restaurant! Mukha namang masarap ang pagkain!
Hahaha! loka loka ka, P! At least ikaw ang pinakamaganda jan 🙂 yun oh!!
QUE HORROR! mukhang masarap nga kaso foreigners ang makakahalubilo.. panu na lang ako.. perfect description ng isang pilipina.. maliit, mejo pango..mejo maputing maitim! hayyy.. alien yata! lol