Birthday ni Atekupungsingsing last March 13. Excited na excited siya. Panay kumbida sa mga people at nangangakong mangbo-blowout siya. Sa loob loob ko naman, “Dedz! Magastos ito!”
Pero the day before her birthday, habang nagda-drive pauwi…
P: Excited ka na, ate? Birthday mo na bukas!!!
Ate: Simple lang birthday ko ngayon noh? Wala na kasi si Mommy.
May namuong luha sa mata ko pero pinigilan ko umiyak. Ayoko mahawa si Ate sa lungkot ko. Kailangan ko mapasaya ang Ate sa birthday niya. And with the help of everyone who loves Atekupungsingsing, mukhang successful naman kami.
Morning pa lang, dumating si Nanay Flora na may dalang regalo – daster. First gift daw niya yun for the day.
Pagdating sa office, (kasi halos araw-araw ko kasama ang ate sa opisina para di siya malungkot sa bahay) nag-ambag-ambag din ang officemates ko para mabigyan siya ng regalo. Maraming maraming salamat sa inyo!!! Lalo na sa boss ko na pumayag na bitbitin ko parati si Ate sa office.
Kaya naman nagpakain si Ate ng spaghetti, pizza at barbecue courtesy of Father Thunder. Ayun, busog naman kaming lahat.
Dinner time is family time. Kumain kami sa K-Pub Korean restaurant. Special request ni Ate ‘yan. Ito naman, treat nina Kuyakoy at Ate E bilang anniversary din nila on the same day. Si Papa N, may gift na kung anek anek na sugar-free items from Healthy Options. Minomonitor kasi namin ang sugar niya.
Habang kumakain, may isang batalyong matatangkad na lalaki ang dumating sa K-Pub. Keber naman ako dahil di ko sila kilala. Si Papa N at si Atekupungsingsing, hindi mapakali. Gustong gusto magpa-picture. Sa isip-isip ko naman, bakeeeeet? So ako na lang ang kumuha ng litrato nila…
Kamusta namang sa tangkad ni Papa N,
hanggang kili-kili lang siya ni Aguilar.
Turns out, mga PBA players pala ng Ginebra!!! Si JAPETH AGUILAR!!! Pero hindi pa rin ako na-excite.
P: Hindi ko kasi sila kilala.
Kuyakoy: Pustahan tayo, kung si Michael V. pa ang nandyan,
unang-una ka pa nagpa-picture!
Kuyakoy, you know me so well.
Anyway, sa lahat ng nag-regalo, bumati at nagpangiti kay Atekupungsingsing sa kaarawan niya, lubos po kaming nagpapasalamat!!! And to Ate…
LABYU!!!
just read this post.. Belated Happy Bday Shiela!! Next time invite mo ko huh? hihihihihi Stay.. sweet.. stay healthy… mwuaaahh…
awwww… ka-sweet naman! ♥