Bakit nga ba palaging headline sa balita ang results ng Bar Examinations? Bakit nga ba big deal siya?
Kasi naman sobrang hirap! Ang sino mang magsabi na madali ang bar exams ay HINDI TAO!!
Ang dami kayang batas, rules and regulations, Supreme Court decisions, etc. na kailangan aralin! Kailangan maayos ang English. Kailangan maayos ang handwriting. At higit sa lahat, kailangan PREPARED!
Tandang tanda ko pa nung nagrereview ako for the bar. Kung kinuhaan siguro ako ng dugo nung panahon yun, kape at red bull ang lalabas.
May mga malalaking problema pang dumating sa pamilya namin. Walang wala kami nun. Mala-MMK level lang. Pero lahat ng yun ay nadaan sa dasal.
Ginusto ko lang talaga pumasa, pero sabi ni Lord bibigyan kita ng mas magandang blessing…
Parents ko di makapaniwalang may utak ang anak nila 🙂
Eto yung video ko nung pumasa ako sa bar.
http://www.gmanetwork.com/news/video/20261/1-289-pass-2007-bar-exams
Ang arte lang?! Sorry naman! Di ako sanay sa TV!!!
Thank you ulit, Lord! At nagpapasalamat din ako para sa mga nakapasa sa bar examination ngayong taon. Sa mga hindi pumasa, hindi katapusan ng mundo. Iyak konti, tapos bangon ulit. Go lang ng go! May mga blessings na darating sa inyo 🙂
Ang hirap siguro nung bar ninyo? 83 point something nakuha ko nung nag bar ako pero hindi naman ako topnotcher (he he he).
Wow! 🙂
Ang galing! Ang cute nyo po sa TV mam. And may kamukha kayo sa Going Bulilit na cute kiddo.. sandali hanapin ko, hindi ko alam ang name eh
Haha!!! Matabang bata ba yan?!?!? 🙂
bulilit? huwat??? peace =)
Tita V, first year college palang po ako nung nakapasa ka ng bar. Ganoon na pala katagal. Hahahahaha!
hayup ka, AJ! Hahahahahahahaahaha!
WOWOWOWOWOWOW! 🙂
“…seventy-five.ONE!!!….” 😀
Ang arte, I know!!!! Sorry na hahahaha!
Ang galing mo D!!!
Suwerte lang Tina hehe 🙂
Hahaha! May kembot?!
Oo nga, nakakahiya hahaha!
All I can say is… ganyan ka pa din kaarte ngayon. Hahahahaha!!!
HINDI KAYA!!! 🙂
Ang taray ni D!
;-P