Na-miss niyo na ba si Sprite? Kami sa Provinciated household, oo! Matagal-tagal ding hindi nagpapakita sa amin ang mokong e. Kaya nang dumaan siya noong isang linggo, tuwang tuwa na naman kami.
Madami nang bago sa buhay ni Sprite ngayon…pinagmalaki niya sa’kin ang kanyang brand new hair cut. Libre daw ‘yan! Tuwang tuwa siya.
Tingin sa kanan… STARS…naks!
Tingin sa kaliwa…ABSTRACT NA ZIGZAG…astig!
Tingin sa likod…
P: ANO ‘YAN???
Sprite: Ewan ko. Di ko naman kita sa likod e.
P: Talagang pinilosopo mo pa ‘ko ha! MUKHANG HIPON!!!
Bukod sa bagong hair cut, may bago na rin siyang profession…
Baliktad!
Naaaaaks!
P: Magkano binabayad sa’yo?
Sprite: Bente.
P: Nagmamasahe ka rin ng babae?
Sprite: Hindi ah! Lalaki lang.
P: Dapat malinis parati kamay mo pag nagmamasahe.
Ano ba gamit mo, oil o lotion?
Sprite: Ewan.
P: Ano’ng ewan??? Pag nagmamasahe ka, ano ginagamit mo, oil o lotion?
Sprite: Wala…
P: Paanong wala?
Sprite: Hehe…laway na lang.
KADIREEEEEEEEEEEEE!!!
Pina-merienda namin si Sprite ng sandwich. Si Nene, inabutan pa ng juice ang “jowa” niya.
Sprite: Ano ‘to?
Nene: Juice!
Sprite: (tinititigan ang Zest-o) Asan tayo, sa patay?!?!
Nene: Walang hiyang ‘to! Binigyan na nga, nagreklamo pa!
Uuuuuy…L.Q.!!!
Nakaka-miss ka, Sprite! Tumagal din siguro ng 30 minutes ang kwentuhan namin. Hanggang sa uulitin! Update ko kayo…
mukhang barbed wire!
Yung sa likod mukhang kawayan na may tali.
Bwahahaha!!! “Draw Something” na ‘to!!!
Ang una kong basa sa trabaho nya ay “Massage the Rapist”. LOL
Ang una kong basa sa trabaho niya ay “Massage the Rapist”. LOL
Hoy Sprite! Ang Zesto hindi lang pangpatay hahaha!
Kailan magkakatuluyan kaya si Nene at Sprite? 🙂
Hahahahaha! Ang kulit ni Sprite!!!
kaloka! porke Zest-O juice nasa patay na agad? diba pwedeng kid’s bday party muna ha Sprite?
Sinabi mo pa! Si Nene tuloy di malaman kung babatukan sa inis o matatawa kay Sprite e! 😀