Last week, I panicked kasi I realized it’s March na, and I haven’t studied the K to 12 program yet. 3 years old kasi ako nung nag-Nursery ako and I wasn’t sure if Addie should start going to school na since she’s only about to turn 3 this September.
While Addie’s behavior during her Gymboree trial class made me think na maybe she’s not yet ready for school, I was afraid that she’ll be left behind naman by other kids if she didn’t start with school soon. So, I decided to bring her to my niece’s school para mag-inquire muna.
The teacher said if Addie will be 3 years old by October, she can start school already. Ok, so puwede pala si Addie. Then, the teacher said that they need to evaluate her first. Patay!! Alam niyo naman anak ko!Super likot!
Surprisingly, when the evaluating teacher asked her to move to another room, sumama siya! Tapos sinilip ko, Addie sat down with the teacher and nagbehave siya!! Whew!
Sobra ang dasal ko habang nasa labas. Sana tumagal si Addie. Sana makinig siya. Sana sumunod siya.
After a while lumabas si teacher, with a concerned expression on her face. Kinabahan ako. Tapos biglang sabi, “Mommy, nag-poo-poo po ata si Addie.” Bwahahahahaha!! Actually, hindi siya nag-poo-poo. Akala lang ni teacher kasi namula daw yung face.
Ang finding ng teacher: Addie already knows shapes, colors, and number.
The teacher said na Addie didn’t respond nga lang sa alphabet. Ayaw niyang pag-usapan ang letters. Hahaha!
So, bottom line, she passed the evaluation and she can start school this summer. Yay!!
Sobrang saya ko lang. I wasn’t really confident if natuturuan namin si Addie ng mabuti. It turns out, may nagagawa naman pala kaming tama. 🙂
Go Addie! Huwag kang mang-aaway sa school anak ha! Ngayon, proproblemahin muna namin ng Daddy mo ang pang-tuition mo!
To know more about the K to 12 Program, click here.
Uh oh! My daughter will be 3 na din this Sept27… Talagang kelangan ko ma-pressure??? huhuhu
wow..ganun na po ba talaga ka-aga ngayon mag-school? hehe…my baby will be 3 years old next year by October. So next year, nursery na sya? oh my gulay…ang bilis naman….hihi…:-D
Hello D!
Bakit mo nasabi wag mang-aaway si Addie sa school? May times ba nang-aaway or nananakit siya ng ibang bata? Worried lang ako kasi yung junakis ko feeling ko nagmana ng kamalditahan sa akin eh. Hehehe! 😀
Hi Krisna! Hindi naman, hindi pa siya nang-aaway or nanakit ng bata. Pero mahilig siyang mang-asar kahit na nagagalit na sa kanya yung bata hahaha!
D, handa mo na yung sagot sa Teacher pag-nagsalbahe si Addie sa school hahahaha!
Hahaha, oo nga!!! 🙂
Shucks, kelangan ko na rin pag-isipan ang school ng baby ko. Malapit nga pala pasukan!
Hi Jenny! Yup, malapit na! Hindi applicable ang July/August/September na start of school sa primary school 🙂