Sabi nila, “Show me a man with a tattoo and I’ll show you a man with an interesting past.” E wala kaming tattoo nina D at S, so hindi kami interesting??? Ganun???
Siguro takot lang ako sa karayom, o mahawaan ng AIDS (dahil madalas misconception ‘yun) o ayoko lang talaga itakwil ako ng pamilya ko, kaya kahit naaastigan ako sa mga may tattoo, hindi kaya ng powers ko.
Naaalala ko noong 1st Year Law School, nagpunta kami ni D sa UP Fair. Para sa mga hindi pa nakaka-attend nito ever, ginagawa ito tuwing buwan ng Pebrero at madalas natataon ito sa Valentine’s Day. Usually, it is a 3-day event na puno ng musika, concerts, performances, booths, food at kung anek-anek pa! Open to all ang UP Fair. May entrance fee nga lang pero mura lang.
Anyway, pagdating namin ni D sa Sunken Garden (kung saan idinadaos ang UP Fair), ramdam na ramdam namin ang UP vibe. Gusto namin maging adventurous! So…nagpa-tattoo kami.
Bago tumiwarik sa upuan ng mga kamag-anak namin, HENNA TATTOO lang ang pinagawa namin. Si D, tribal letters ang napiling design.
Ako, pa-cute na dolphin.
Saan namin pinalagay? Sa lower back. Pa-sexy kuno. Ats if!
Ang masama, buong gabi namin kinailangan hawakan ang blouse namin para hindi dumikit sa tattoo. Ingat na ingat kami. So, pinanindigan na ng dalawang loka. Nag-ikot ikot kami sa fair nang…
Blockmate C: D! P! Daan naman kayo dito sa booth ng frat namin!
D & P: Ano ba’ng meron dito?
Blockmate C: May drinks kami. Shot kayo!
At dahil madami atang cute na fratmen sa booth noon at ayaw namin mag-mukhang KJ, nagpa-peer pressure kami.
So gala, gala, gala…kain…tambay…habang hawak pa rin ang mga blouse namin at pinatutuyo ang tattoo…
P: D, check mo nga yung dolphin kung tuyo na…
D: (hindi sumasagot)
P: Uy! Tuyo na ba?
D: Hindi…
P: Huh? Hindi pa tuyo? 1 hour lang daw, tuyo na ‘yan e.
D: Hindi…hindi na siya dolphin.
P: ANOOOO?!
Dahil uminom kami, nag-init ang katawan ko at pinagpawisan akis nang bongga!!! Therefore, ang tattoo ko na hango sa…
Ay naging…
Actually, hindi. Sa sobrang kumalat siya, nagmukha siyang BUTANDING!!!
Sinubukan naming ipaayos sa tattoo artist ang whale shark pero hindi na niya naremedyohan. Hmph! Shet lang talaga. Dalawang linggo kong binuno si DUGONG sa pwetan ko. Buti na lang at nakatago. Imagine-in niyo kung sa braso o sa leeg ko yun pinalagay!!! Inaaaay!
Hinding hindi na ako nagpa-henna tattoo ulit after that.
That’s what I hate about the henna tattoo when I was still a kid. Bilang idol na idol ko ang tatay ko na may tattoo, gusto ko rin ng tattoo.. eh kaso yung henna habang nagtatagal sa skin mo, nagmumukha nlang syang pentel pen mark. So ayun, nung may trabaho na ako….. Tattoo dito, tattoo doon! hehe
Hahahah P! i can relate! Ayoko din ng tunay na tattoo kase mukhang masakit. Ang dami ko ng dinanas na pain, dagdagan ko pa ba? Hahha. (Drama) Anyway, nagpa henna din ako dati sa UP fair sa UP manila. Nagpalagay ako sa likod ng kamay ko ng Sun na may mukha. Nung pinakita ko sa kaibigan ko, hinawakan nya yung henna! Kumalat! Nagmukha na syang top view ng jellyfish! Hahaha! Only henna moment ko. 🙂
Uy girl, nalimot mo na ba yun isa mo pang dolphin tattoo? yun pagkalaki-laking pinalagay mo sa forearm mo? Dolphin tattoo nga ba yun o tinik ng fish? hehehe