Sabi nila, malalaman mong nasa probinsya ka na nga kapag tilaok ng manok ang gumising sa’yo sa umaga. Sabi ko naman, sa Provinciated household, maririnig ang tilaok ng manok mula bukang-liwayway hanggang dapit-hapon. Bakit kamo?
Because, I’m Ms. Provinciated and my Father Thunder is a SABONG-aholic.
Actually, di naman nag-eenjoy ang tatay ko sa mausok na sabungan. Hindi rin siya pumupusta nang malakihan. Mas natutuwa siya sa pagpaparami, pagpapalaki at pag-aalaga ng mga manok. At ang joy na nakukuha niya tuwing nag-cha-champion at nananalo niya ay walang kapantay!
Binata pa lang, nahilig na si Father Thunder sa manok. In fact, yung bestfriend niya ay isa sa pinaka-sikat na breeder sa Pilipinas. Hindi ko alam kung sino ang nang-impluwensiya kanino. Ang alam ko lang, halos once a week ay nagkikita sila ni Tito P para maghapon magkuwentuhan tungkol sa manok, sa breeding farm ng mga manok, habang kumakain ng adobong manok.
Naaalala ko nga noong maliit ako, pinapanood ko ang Daddy habang malambing na hinihimas ang mga alaga niya at pinaiinom ng gamot.
Alam ko mukhang tanga pero na-hurt ako. Bakit ang manok, pinapainom ng pampatangkad pero ako, ayaw bigyan? Mas mahal pa ang manok kesa sa’kin? Kamusta namang nag-selos ako sa Texas?!
Sa katunayan, kuwento sa akin ni Mother Earth, noong araw ng kasal nila ni Daddy-o, handa na raw ang lahat. Si mudra ay naka-kuntodo make-up at hairdo na. Suot na rin daw niya ang magara niyang traje de boda. Palakad na sila sa simbahan. Naisip niyang ipa-check kung nakaalis na rin pa-simbahan ang groom niya.
Last week, bumibiyahe kami pa-Tagaytay. Bigla ko tinanong si Daddy…
Harshness! Ako man, di ko gets bakit napakadami sa ating kababayan ang nahuhumaling sa sabong. Buwan at taon na inaalagaan, ginagamot at pinapakain ang manok. Tapos, sa 15-second battle, dedz na agad. I guess iba ang thrill pag nanonood ng laban. Lalo na siguro ang pride kapag nananalo.
Di man ako tumangkad pang-Bb. Pilipinas due to Vitamin B deficiency, ok lang. Basta happy ang tatay ko. 🙂
(photos from google images)
nakalakihan ko rin ang sabong. =) nakakatuwa din manood pag nagpapraktis ang tatang & uncles ko dati =)
Hahaha! Sorry ka nalang, P. Hindi ka naman daw puwede ipang-sabong ;-P