Remember my kuwento about Addie sa Ballerina party?
Addie doesn’t like getting dirty. Did you notice na ang linis ng work area niya sa photos?
I’m worried kasi OC pa rin si Addie. One time in school, nag-tanggal siya ng shoes. Nasanay kasi sa house. Nung nakita niyang madumi na pala feet niya sa kakalakad around the classroom, she went to her teacher. Nagpapanic at nagsabi….“Wash it! Wash It!” (with watery eyes.)
Tapos sa Art Class nila, nag-paint sila ng “ipis” este caterpillar.
Humingi daw ng wet wipes si Addie and punas ng punas ng hands niya.
Then the following day, nag-decorate naman sila ng butterfly, nandiri si Addie sa glue, at ayaw hawakan! Hindi niya tuloy natapos ang artwork 🙁
Bakit kaya siya ganun?
At dahil naniniwala talaga ako sa Sige sa Mantsa Philosophy… NAAAKS (no, this is not a sponsored post), kelangan maturuan si Addie madumihan.
I bought a set of finger paints from National Bookstore at nag-paint kami ni Addie. I asked my niece to join us para mas ma-engganyo si Addie.
At first Addie didn’t want to join. So acting kami ng niece ko na sobrang enjoy kami! When she joined na, I put paint on my legs. Sabi ni Addie… “ewwww.” Ang arte lang. Nilagyan ko nga ng paint legs nya. #MasamangIna. 🙂
Nagalit!!! BATH TIME! BATH TIME! Sigaw ng sigaw hahaha! Naligo naman kami after. Nandiri lang sa water kasi naging blue and brown. Ano ba?!?!
Kelangan ko talaga karirin ito hanggang matuto sya or else, baka maging Maricel Soriano si Addie…
Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik!”
image from www.hyattrocillo.com/
Dedz!
Waaah. Imagine Addie 2 more years from now. Bago kayo makaalis ng SM dept store, matatagalan kayo kasi inaayos niya yung mga shoes acdg to sizes and colors. Lol. Si Akira kasi ganun. Que horror diba?
Magkakasundo sila ni Akira for sure. Padumihan kamo sila. Haha. 🙂
Ganyan si Lucas! Gumawa sila ng homemade clay sa school. “Ew!” Daw. Owmeyn.