Alam kong matagal nang lumipas ang fiesta sa bayan ng BaCav. May 10-11 ‘yun ginanap. Pero due to insistent public demand…and by “public”, I mean mga tatlo sa kakilala ko, ipopost ko ngayon ang aking mga OOTD noong fiesta as one of the HERMANAS DE LA VIRGEN MARIA.
Simulan natin sa outfit ko noong Sabado, May 10.
Inspired by a gown worn by Madam Imelda ‘yan.
Of course, wala namang dadaig sa dating ni Madam lalo na pag naka-terno…pero may hawig naman yung gown diba?
Nakakatuwa nga at madaming umasiste sa akin sa prusisyon. Siyempre,sinamahan ako nina E1 at E2 at ng pinsan kong si James.
At…mawawala ba naman ang tambalan ng bagong milenyo – sina NENE at SPRITE!!!
Pagdating ng Linggo, May 11, eto naman ang outfit ko.
With my escort, Father Thunder
This time, ang suking mananahi na namin ni Mother Earth ang pumili ng design. Baro’t saya naman ang effect. Gandang ganda ako sa damit na ‘yan. Naiiba pero Filipinang Filipina. Ang kaso, sa bawat kantong madaanan ko, may nagtatanong sa’kin ng, “ASAN SINA CRISPIN AT BASILIO???” Pasalamat kayo’t nasa prusisyon tayo. 😛
Naalala niyo yung post ko nang nilagyan ng “KEEP DISTANCE” ang pagmumukha ko sa arko??? Well, wala na siya. Hindi yung karatula ha. WALA NA ANG MUKHA KO! May nag-nenok! Kaloka!
15 years kong gagawin ito taun-taon bilang panata ko at ng pamilya ko. Oo, nakakapagod at medyo magastos. Pero kung para naman sa Kanya, sa simbahan at sa aming patron, malugod kong gagawin. 🙂
Next year ulit!!!
meh gudness sinetchiwa ang nang-nineksi ng fiktyur ni ateng??? ay malamang hindi ako ate, kasi 2-days before the fiesta nawala talaga sya doon sa ilalim
hindi ako Ms P ang nag nenok huh! ahhahahaha
ha ha ha i like it.. talagang di ka nakatiis na ilathala ang nawala mong KEEP DISTANCE huh? hahahahaha alam mo ba ang dahilan non? NATAKOT yun.. mumultuhin sila ni Mother Earth hala… hehehehe
Miss u na tita.. lalo na sa mga ganitong events… haaaaissst