Noong weekend, sumalampak ako sa kama para manood ng PBB. Si Coco, ang aming aso na Half-Maltese, Half-Basura, nagpa-akyat sa kama at sumalampak din sa tabi ko. Hindi ko alam kung naiintindihan niya na Eviction Night noon pero masusi rin siyang nanonood. All of a sudden…
Poooooooooooooooot!
May umutot!!!
Agad na lumingon sa akin si Coco, ganito ang mukha…
ANG KAPAL LANG MANG-JUDGE!! Isa lang sa aming dalawa ang umutot at sure akong hindi ako noh! Kung tignan ako, tipong “Umamin ka na nga.”
Pati pala asong mukhang basura, kayang mag-malinis.
#PeaceAtekupungsingsing 😛
ha ha ha ha ha Atty. P.. aminin mo na lang daw kasi? Si Fifth daw kasi umamin na eh.. Sumabay ka na daw.. hahahaha