Tignan niyo naman si Mario…
Wala daw siyang sakit. Kahit ano’ng pangungumbinsi ang gawin namin sa kanya nina Father Thunder, ayaw niya magpatingin sa doktor. Ayos lang daw siya.
Pero dahil madalas sumama ang panahon ngayon, siguro, madalas ding sumasama ang pakiramdam niya. Kaya noong isang linggo, nagpatingin na siya sa health center FINALLY! Medyo matagal lumabas ang results ng mga examination niya. Ninenerbyos kaming sa payat niya, baka may tuberculosis na siya. Lord, sana wag naman. Matagal na gamutan kasi yun diba?
Last weekend, na-chempuhan niya ko…
P: Uy, Mario! Kamusta? May resulta na yung mga test mo? Ano sabi ng doktor?
Mario: Eto nga mga reseta e…
P: Patingin nga. Ano ba raw sakit mo?
Mario: Pneumonia daw.
P: Pneumonia? Naku, thank you, Lord!
At least hindi TB! Bilhin mo yang mga gamot ha.
Eto mga multivitamins. Wag ka papalipas ng gutom at
wag na wag kang papaulan o magpapahamog ha.
Basta nagutom ka, hahanapin mo lang si Nene.
Panay tungo lang ni Mario. Ewan ko kung nakikinig sa litanya ko. Tila may malalim na iniisip.
P: Uy! Nakikinig ka ba?
Mario: Sayang nga e…
P: Ano’ng sayang?
Mario: ‘Yung TB…
P: Huh??
Mario: ‘Yung TB kasi may libreng gamot sa health center e. Ito wala.
P: Anak ka ng pitumpu’t pitong puting tupa!!!
So mas gusto mo na lang yung TB? Ganun??!
Mario: Hehe. Joke lang!
Makukutusan kita Mario e!!!
Ay Nakau Mang Mario,kukutusan kita pagnakita kita sa bayan e(hehehe)
nakakatuwa talaga mga neighborhood mo atty.P.. 🙂