Dear Baby Girl,
Dalawang taon na ang nakalipas nang isulat ko ito. Lumipas ang maraming taon, ‘di na tayo nagkita. Balita ko’y may anak ka na. Ngunit, walang asawa. Ang sabi ng Eraserheads sa Huling El Bimbo. Hindi, nabalitaan ko kasi na masaya ka na ngayon. Ayokong manghimasok sa buhay mo pero hindi ko mapigilan kasi pakialamero talaga ako. Gusto ko lang tiyakin: Masaya ka bang talaga? Gusto ko lang din ipaalala sa ‘yo na may epekto kasi ang kaligayahan mo sa kaligayahan ko at ng maraming tao. Hindi mababago ng lovelife mo ang ekonomiya natin o ang desisyon ng ilang pulitiko na maging pangulo, kaya hindi ko rin alam bakit apektadong-apektado ako. Siguro ganoon talaga ‘pag single ka at single din ang madami sa mga kaibigan mo. Iniaangkla mo na ang sarili mong kaligayahan sa lovelife at happiness ng iba. Ang lovelife mo na ang source ng kilig ko, at dahil vicarious na nga lang ang kilig, ayokong matapos ito.
Dalawang taon na ang nakalipas nang mangyari ito:
Ilang buwan ang nakalipas, nasundan pa nito:
Pero makalipas lang ang ilang linggo, nangyari ito:
Inamin mo, 2 years ago, na hindi ka naman nagmamadali. Na hindi ka naman na-in love. “Muntik lang.” Pagkatapos kong mapanuod ang pag-iyak mo, hindi ko napigilan ang sarili ko. Ang daming problema ng mundo at ang dami ko ring kailangan gawin noong panahong iyon, pero nagpaka-selfish muna ako para ilabas ang naramdaman ko dahil malaking bahagi ng buhay ko ang (pagsubaybay sa) buhay mo.
Sabi ng isang kakilala kong professor, masokista raw ang mga nasa akademya kasi nga, “we spend a great deal of our lives getting rejected.” Pero sa totoo lang, kahit ano pa man ang trabaho mo, basta ata nabuhay ka sa mundong ito at basta may pakialam ka sa kahihinatnan o itatakbo ng buhay mo, masokista ka na. Biruin mo, ilang beses kang posibleng ma-reject– tanggihan, di tanggapin, ayawan– sa loob lang ng isang araw? Pinara mo ang taxi o jeep pero di ka pinasakay. Pinasa mo ang late mong papel sa teacher mo pero di nya na tinanggap. Inaya mong mag-date ang crush mo pero di siya pwede. Iniwan ka sa ere ng taong gusto mo. Sumuko na sa panliligaw ‘yung taong inasahan mong sa wakas, ay magpaparanas sa ‘yo ng pag-ibig na matagal mo nang inaantay.
We spend a great deal of our lives getting rejected. Pero yung nakakabilib, kinakaya pa rin nating gumising bawat araw, at harapin ang lahat ng posibleng rejection na itatapon sa ‘tin ng mundo. Araw-araw, nagtatapang-tapangan tayo, lumalaban, hindi agad sumusuko. Kaya napapaisip ako– saan ba nanggagaling ang tibay, tatag, at tapang na ‘to?
Simple lang ang sagot– love. Char. Haha. Okay, I’m sure maraming mas jargon-y na sagot sa posibleng pagmulan ng resilience (hal., hardiness, social support), sa dinami-dami ba naman ng mga pag-aaral tungkol dito. Pero pagbigyan niyo na ako, I will be cheesy and indulgent. Kaya ganito na lang, i-assume natin na para sa atin, mahalagang-mahalaga na mayroon tayong minamahal at mayroon sa ‘ting nagmamahal. Mukhang totoo naman di ba, na gumigising tayo bawat araw para sa mga tao at bagay na mahal natin.
At bakit ‘yun mahalaga? Maybe because love provides us a sense of security. And with security comes strength. Kung bakit nga naman kasi ang gulo ng mundo, ang hirap ng buhay, ang sakit mabigo! Pero isang malaking middle finger sa world ang mga pananggalang na meron tayo– na para bang sinasabi nating, sige ibigay niyo lang nang ibigay lahat ‘yan, ang daming nagmamahal sa ‘kin. Ang daming nagmamahal sa ‘kin kaya lahat kami magtutulung-tulong para labanan kayo. Ang daming nagmamahal sa ‘kin kaya ang saya ko lang, at sa sobrang saya ko, ang tibay ko, hindi niyo ko kaya.
Pero ‘yung mas amazing para sa ‘kin, parang nakakahawa rin ‘yung happiness ng iba na dulot ng pagmamahal na ‘yan. ‘Yung thought na masaya ‘yung iba at alam ko kung saan nanggagaling ‘yung happiness na ‘yun gives me hope. Na para bang, balang araw, mararanasan ko rin ‘yan. And that hope seems to give me that sense of security as well. That hope assures and reassures me—kahit na sa totoo lang, posibleng hindi naman mangyari ang inaasam at niloloko lang natin ang mga sarili natin. Hope makes us believe that things will be better, and soon, we will be happier.
Kaya hindi ako fan ng goodbyes. Kasi ibig sabihin nun, pansamantalang hihina ang depensa, at mararamdaman na naman natin na oo nga, ang gulo ng mundo, ang hirap ng buhay, ang sakit mabigo. Pansamantala ring mawawalan ng pag-asa at titigil muna ang pantasya. Bilang ako ‘to, gusto ko pang panghawakan ang pantasya nang mas matagal-tagal pa.
Siguro nga unreasonable na ‘yung mga hindi ko magawa, ipapagawa ko sa iba. ‘Yung mga pangarap ko, ipapatupad ko sa iba. ‘Yung mga takot ko, ipapapawi ko sa iba. Pero kung minsan, ganun talaga e. Manananalig na lang ako na pagkatapos ng ilang araw, linggo, buwan, taon, makakagawa ako ng paraan para mailabas ko ang tibay, tapang at tatag na meron ako.
—
Dalawang taon na ang nakalipas nang magpaalam ka sa pinagmulan mo noon nang labis-labis na kilig at tuwa. I am not a fan of goodbyes. Nalulungkot ako sa ideya na darating sa buhay natin na kailangan natin magpaalam sa isang tao na pinagmumulan natin ng labis-labis na seguridad, lakas, at saya. Kasi pansamantalang hihina ang depensa. Pansamantalang mawawalan ng pag-asa. Pero gigising pa rin sa bawat umaga na puno ng paalala na magulo ang mundo, mahirap ang buhay, masakit mabigo.
Nagmamahal (at patuloy na aasa at mangingialam),
T
kuha ni Jay Yacat
(T is a starlet trapped in a teacher’s body.)
LIKE much.. Thanks for sharing. Ang ganda.