Noong highschool, hindi ako kasama sa “in” crowd. Hindi katulad ng mga sikat sa school namin, hindi ako ma-porma. Dadalawa lang ang t-shirt kong Giordano (may butas pa ‘yung isa sa may laylayan kaya parati ako naka-tuck-in) at ni wala akong Doc Martens.
Mas lalong hindi ako kagandahan. Kung ano ang suklay ko sa umaga matapos maligo, good na ‘yun hanggang makauwi ako. Ang susunod kong suklay, kinabukasan na ulit.
Pero oks lang, kasi nag-enjoy pa rin ako. Maswerte akong napabilang sa section na hindi nabawasan at hindi nadagdagan mula Grade 7 hanggang 4th Year. Kaya by graduation, parang magkakapatid na kami.
May kanya-kanya kaming “specialty” / forte sa section. May magaling sa Art, sa Math, sa Science, sa Music, etc. Ako, sa mga dula at dramatic monologue nalinya. Sa susunod na entry na ko magkukuwento tungkol dyan. Kasi ang gusto kong ibahagi sa inyo ngayong araw na ito ay kwento ng pagpupursigi, pagtitiyaga at pagsusumikap upang matupad ang iyong pangarap. Ang pangarap ko noon? Simple lang. Gusto ko maging MUSE.
Ayoko matapos ang highschool days ko na hindi ako nakakarampa sa stage kasama ang mga “IT” girls on campus. Hindi dahil feeling ko ka-level ko sila ha. Gusto ko lang umakyat sa stage hindi para mag-sabayang pagbigkas kundi para sa pageant. Pa-experience lang ba.
First week ng 4th Year namin naganap ang eleksyon ng officers. Naging president na ako noong Freshman Year, pero hindi pa ako nagiging muse!!! Kaya naman…
Teacher: The position of muse is now open for nomination.
P: Classmates, nominate niyo naman ako please.
Class: Bwahahahaha!!!
Pero dahil love nila ako…I present to you ”Senior-C Muse for School Year 1998-1999”, AKO!!!
Di ako ‘yan ha. Sorry, wala akong actual photo.
Mahal kasi magpa-develop nung panahong ‘yun e. 😛
Palapit ang Intramurals Week. Pinatawag at tinipon na ang mga muse ng bawat section at bawat year level. P*T@. Nanliit ako. Ang gaganda at sexy nila. ‘Yung iba, lumalabas na nga sa TV e. Napasubo ata ako. Pero kebs. Ginusto ko ‘to e.
Isang linggo kaming nag-practice ng choreography ala-Bb. Pilipinas to the tune of … are you ready? “RHYTHM OF THE NIGHT” by DeBarge.
Bagong bago noh? At nang dumating ang araw ng pageant, full support ang classmates ko pati si Mother Thunder!
Round 1: Sportswear — Naka-bathingsuit ako pero may jogging pants. ‘Yung pormang Philippine Team na lalaban sa SEA Games. Naka-cap at goggles, may nakasabit pang tuwalya sa balikat. Ngayong kinukuwento ko sa inyo, na-realize kong mukha pala akong tanga. Sana tennis o golf na lang ginawa ko para cute. Taena, wala man lang umawat sa’kin.
Round 2: Filipiniana – Dito medyo nakabawi-bawi ako.
Round 3: Casual Wear – Di ko maalala kung sino nagpahiram sa akin ng damit. Pero kung sino ka man, salamat.
Elimination
Round 4: Question and Answer
Announcement of Winners
Nang inannounce na ang winner, naghiyawan ang mga tao!!! Bakit? Kasi si Paolo Bediones ang umakyat sa stage at nag-announce. Isa pala siya sa judges.
Alam ko na ang tanong niyo, nanalo ba ako? Ang sagot, OO!
Pero hindi sa pageant ha. Isa ako sa unang na-eliminate e. Sayang, handang handa pa naman ako sa Q & A. 😛
Pero panalo pa rin ako dahil natupad ang pangarap ko. Maraming salamat sa mga sumuporta. At sa mga nagtaka kung bakit ako sumali at tumawa, you’re welcome! 😉 Natutuwa ako maging living testament sa kasabihan na…
“WALANG DI NADADAAN SA KAPAL NG MUKHA.” 😉
P.S. Friends pa rin kaming lahat na magkakaklase hanggang ngayon. Tinanggap pa rin nila ako. 😛
(pics from google and from Rose’s Facebook 😉
hahahahaaa @taena wala man lang umawat sa kin.
hayuf lang sa ‘kansep’ ang swimsuit portion – Philippine Swim Team for SEA Games, napakaspecific LOL. tas ang execution e de-jogging pants at towel bwahahahahahaa
thank you for not holding back pag nagkkwento, this is what makes your posts work and stand out.
Thank you naman, edub. At least may natutuwa sa kawalan ko ng filter. Haha! Si Papa N kasi minsan gusto na iuntog ulo niya sa pader e! 😛
Papa N should be thankful. If he plays his cards right *wink wink* (mababasa ba niya ‘to? yooohooo Papa N!!), he’ll be entertained for the rest of his life, no boring moments. Not a lot of guys can say that about their relationships 😀
hahaha…ako din lahat nadadaan sa kapal ng mukha..bakit ba …kahit two pc d ko inaatrasan…lol
Waaaah!!! Ms. P, relate na relate ako jan! Pangarap ko din maging Muse. Mula elementary hanggang high school kung hindi President eh Sexytary ako (yabang much)… Pero gaya ng mga classmates mo, love din ako ng mga classmates ko, kaya nung 4th year kami, natupad din ang pangarap kong maging Muse sa isang club… at ang escort ko, yung nilalandi kong boylet! LOL!
Wahhhh dami kong tawa hahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahha
Me naman 2nd yr high school, nakatuwaan lang ng mga kada ko mag nominate. from President to Sergeant at Arms nominado nila ko pero mga anak ng pagdating sa botohan, di naman nagsipag taas ng kamay. eto pa malala, hanggang Muse binoto ulit ako, may mga saltik tlg mga classmates ko bwhahaha. Talo prin. OA na kung OA pero hanggang escort wehehehe nominado prin. Saan ka pa?