What I really enjoyed in Japan is the food!! At first, I wondered why hindi masyadong matataba ang mga Japanese kasi super sarap ng food nila. Then I remembered, mahilig nga pala sila maglakad (read: Nishida March). Anyway, when in Japan, here is my must-eat list:
Takoyaki. Ang fishball ng Japan. Actually, octopus laman niya. Kahit ata saan sa Osaka may Takoyaki, and super sarap niya promise! Sa sobrang addict namin sa Takoyaki, naging hubog at amoy takoyaki ata kami pag-uwi ;-P
(photo by Missy)
Sushi, Sashimi and Tempura. We can’t leave Osaka without eating authentic sushi, sashimi and tempura. Eto lunch namin halos everyday pero hindi ako nagsawa 🙂
Asahi Beer and Sake. Asahi feels so right. Asahi feels so good. Parang electric fan lang. Mejo mahal ang beer and sake kaya hindi ako nalasing. #puritazobel
Ramen. We tried a Ramen place in Osaka. Before entering the resto, we had to use the vending machine to place our orders. Then, may stub na lalabas which we had to give to the server inside. Buti nalang may photos ang menu kasi walang english translation. Bahala na si Batman sa pag-choose ng ramen 🙂 In fairness, ang sarap niya! I got the spicy ramen na bagay na bagay sa Coke. Mejo ginto nga lang Coke sa Osaka. Ang Coke Sakto nila mas mahal sa 1.5 liters dito. 😛
Maison de Gigi. While walking around the shopping district, we saw a waffle cafe. It’s not really Japanese but na-enganyo kami sa cuteness ng place, and we were glad we did 🙂
Green Tea Ice Cream. And because we saw green tea everywhere in Japan, we had to eat something na may green tea.
So there, yan ang ilan sa mga nilamon namin sa Japan. Nagkasya pa naman kami sa mga damit namin pag-uwi. 😛
Wow sarap tingnan ng foodies!Did u try the conveyor belt sushi…super #promdimoment ko yun! haha! Oh, how I miss Japan…Napa-bahala na si batman din ako sa pagpili ng ramen sa tokyo…haha! grabe walang “subtitles” dun kahit sa train station…haha!
Yes, we did! nakakalito, basta kuha lang, bahala na kung ano yun hahaha 🙂