Sabi nila, ang hudyat na umuunlad na ang isang lugar ay kapag gumaganda na ang kalsada, dumadami ang establishimiento at kasabay nito, dumadami din ang trabaho. Tama diba? Dito sa BaCav, tandang tanda ko ang araw kung kailan namin nasabing, “Aba, ummakyat na talaga ang antas ng pamumuhay ng mga taga-Bacoor! Hindi tatagal ay masasabayan na natin ang Makati, Cebu at Davao bilang sentro ng komersyo sa Pilipinas!”
Ang araw na ito ay nang unang magbukas ang BURGER MACHINE.
13 years old ako noon. Tuwang tuwa ang taumbayan!!! Lahat ay nagdadagsaan sa Plaza, katabi ng munisipyo at malapit sa palengke. Pumipila para lang makatikim ng manipis na layer ng giniling sa gitna ng dalawang piniping tinapay.
Agad kaming pinabili ni Father Thunder kahit gaano kahaba ang pila. Kung Linggo nagbukas ang Burger Machine, Linggo hanggang Sabado, Burger Machine ang merienda at midnight snack namin. (Yes, twice a day!!!)ย
Talagang humaling na humaling ang madlang pipol! Kung may katungkulan nga lang ako sa gobyerno, ipopropose kong isabay ang Bacoor Festival sa araw na nagbukas ang Burger Machine.ย
Pero in fairness, nang maitayo ang Burger Machine, sunod-sunod na. Di kalaunan, sumulpot na rin ang Jollibee, McDonald’s at ngayon nga, we are proud to say that Bacoor is the one of the very few cities in the Philippines na DALAWA ang SM (SM Bacoor at SM Molino)!!! At ang SM Bacoor namin, may Gerry’s Grill, Starbucks, Payless at Cotton On. Hinihintay ko na lang magbukas ang Zara, Louis Vuitton at Gucci. Greenbelt 4 lang ang peg! ๐
So come visit my beloved city — The City of Tahong and Talaba, BACAV!!! ๐ย
Tuwang tuwa ako sa mga posts nyo. Salamat nawawala ang pag ka burat ko sa symposium kanina. Halos natapos ko mag back read. Hello from Los Angeles
Halo halo sa Digman! Ibuuuuh
At higit sa lahat, lumalaban na rin ang Bacoor Cavite!
Sa BAHA! ๐
banda musiko onli in BaCav! nag host po ba kayu ulit ms P last sunday?
proud to be a Bacoor resident. dalawa din ang Puregold, oh di ba. ahaha…:-)
P, dapat feature mo din yung masarap na halo-halo!
Good idea! Sige nga. ๐
Bilang taga-bacoor ako, meron na rin po tayong maraming-maraming 7-11, may miniStop, may mcdonals, shakey’s, at army navy ๐