Presidente ako ngayon ng Rotary Club of Cavite Sentro. Si Mother Earth ang nag-charter. Ipinagpapatuloy ko lang. Masaya siya in fairness. At rewarding lalo na pag nakikita mo ang ngiti at naririnig mo ang “thank you” ng mga natutulungan namin. Yun nga lang, medyo magastos siya. Kaya naman nagpupursigi kami mag-fundraising para sa club at sa mga proyekto namin.
Last October 1, 2014, sumali kami sa 2nd Leg of the District Governor Edmond Aguilar Golf Tournament. Ginusto namin kumita sa sales ng tickets at sponsorship.
P: Father Thunder, maglalaro tayo sa tournament ha. Tapos bentahan natin ng tickets ang golf dabarkads mo.
Father Thunder: Saan ba yan?
P: Sa Eagleridge, Dye Course.
Father Thunder: Naku, we are going to Dye!!!
P: Sus, kaya ‘yan! (Ang yabang, e beginner lang naman ako. :P)
So ginoogle ko at mukhang mahirap nga…
For the purpose of this review, we will talk about the ‘Beast of the East’, the Andy Dye creation. For the uninitiated, there have been a lot of eulogies read before and after a round. This course will knock you down and keep pounding away till you surrender and then smack you down one more time, for bad luck!! Often mentioned phrases include, “I almost Dye’d today”. “Dye another Day”, “Live and let Dye”. I dare to challenge anyone who does not consider this course a test of your golfing mettle. (www.GolfPH.com)
Pero dahil napasubo na, goooow! Jusme! Kahit di pa oras ng dalaw, lumabas na ang regla ko sa hirap!
Pero sulit naman dahil…NAG-CHAMPION AKO SA LADIES DIVISION!!! First time ko kaya sumali sa golf tournament!!!
Ang galing noh?! Pero ops, wag muna kayo masyado matuwa. Dahil dadalawa lang kaming sumali. In short, isa lang tinalo ko. Bwahahahaha! Sa katunayan, pati ‘yung 2nd Runner Up trophy, pinauwi na lang sa’kin bilang souvenir. 😛
So kumita ba kami sa tournament? Hindi. Pero baon ko naman pauwi ang isang rice cooker na napanalunan ko sa raffle at ang titulong “Golf Champion” kahit pa-lintik lang. 😛
galing galing naman, congrats ulit sau,. 🙂