Nakwento ko naman sa inyo na nag-audition ako dati sa PBB diba? Kaso lang, hindi ako natangggap. Matagal na kasi akong fan ng mga reality TV shows. Gusto ko isipin kung mag-iiba ba ang ugali ko kapag bawat utot at dighay ko ay maaaring lumabas sa TV.
Isa sa mga gusto ko rin sanang salihan, kung pahihintulutan, ay ang AMAZING RACE. Sino kaya maigi kong maging partner? Sino ang gagawa ng tasks kapag physical or mental ang challenge? Mang-aaway kaya ako ng ibang contestants o pangangalagaan ko ang bait-baitan image ko? #charaught
Isang gabi, nanonood kami ni Papa N ng Amazing Race. Bigla ko lang naisip…
P: Paano kaya kung sumali tayo dyan? Mag-aaway kaya tayo?
Papa N: Ewan ko. Pero sa isang bagay ako sure.
P: Ano?
Papa N: Hindi ka na nila bibigyan ng lapel sa lakas ng bunganga mo.
Ah ganun???!
Pwes, Papa N, kung di ako uubra sa Amazing Race, sa “I Do” na lang kita yayain sumali. Game??? 😛
Nakaisa ka dun P.