“So, you can read minds?” May nakilala akong 2 locals sa building namin sa magkahiwalay na pagkakataon and for some reason, iyan agad ang tanong nila, pagkatapos nila malaman na Psych ang course ko sa grad school. So I guess universal ang misconception about psychologists? (Wow, mga Chinese at Pinoy pa lang ang nagtatanong universal na agad-agad!?!). Hindi naman iyon ang first time na natanong ako about our supposed special skill. At mukhang hindi rin iyon ang huling pagkakataon. Natanong na ako sa mga reunion, forum, house blessing, christening, ribbon-cutting, at sa kung saan-saang pang okasyon. Minsan may mang-tsa-challenge pa, “Sige nga, basahin mo ang utak ko.” Sa mga ganyang pagkakataon, magpapaka-polite lang ako and I will reply with a, “Hehehe.” Minsan, I don’t follow-up that hehehe with anything. I would just smile playfully, squint my eyes a bit, and remain silent until the person who asked becomes a bit uncomfortable. Haha. Nakaka-flatter rin naman kahit paano na sa tingin ng iba, may super power kaming mga sikolohista.
Kung hindi mind readers, may iba naman, lalo na sa mga nagtatrabaho sa media, akala nila experts ang Psychologists sa kahit anong human interest story, maski na iyong mga obscure at exotic na topic na basta may kinalaman sa mga paniniwala ng mga tao. Nakatanggap na ako dati ng tawag mula sa isang researcher ng isang TV show at tinanong ako kung pwede raw ba akong ma-interview tungkol sa mga multo at kung bakit daw naniniwala ang mga Pinoy doon (naalala ko tuloy yung tanong sa isang conference kung ang pagiging LGBT daw ba ay normal, abnormal, o paranormal. Haha. Asan sa bell curve ang paranormal!?!). Anyway, may tumawag din sa akin dati kasi may feature daw sila tungkol sa mga anting-anting. (O tapos!?!). O kaya bakit daw patok sa mga manunuod ang My Husband’s Lover (ito pinatulan ko kasi sabi sa akin guest ang mga bida. Video interview lang pala sila. Pffft.). Nakaka-flatter na tingin ng iba alam ng mga sikolohista ang lahat, lalo na iyong mga exotic at obscure, mula normal hanggang paranormal, kahit na wala namang kinalaman sa area of expertise namin. Pramis, wala talaga e.
Ang pinagtataka ko, sa mga pagkakataon na feeling ko bagay din naman ang mga sikolohista na ma-interview, wala namang naiimbita (or at least wala akong napapanuod). Kunwari, pag analysis ng SONA ng pangulo. O kaya kailangan ng commentary pagkatapos ng national elections. Hindi sa nagpaparinig o nagpapa-imbita ako ha. Haha. Hindi rin naman ako credible sa ganyang mga usapan. Napapaisip lang ako talaga sa kung ano na ba ang nagawa ng mga sikolohista para itama ang kung ano mang inaakala ng mga tao sa mga ginagawa namin. Kung matumbok naman ng mga tao ang ginagawa ng mga sikolohista, madalas ang pinaka-popular na imahe namin ay mga clinical psychologists. Pansin ko minsan, kapag nalaman ng iba na psychologist ako, parang napapahaba na ang sharing session at humihingi na sa akin ng advice tungkol sa mga suliranin nila sa buhay. Nakaka-flatter naman na tingin nila makakatulong kami sa kung ano mang pinagdadaanan nila, pero ayoko yung expectation na pwede silang mag-request ng informal counseling na walang bayad. Haha. Besides, hindi pa ko licensed. Mag-usap tayo uli kapag nakuha ko na ang lisensya ko. Haha. (Biro lang po powers-that-be.)
Sa bagay, mahirap namang sisihin ang madlang people sa kakulangan ng ideya o imahe ng mga sikolohista. Tingin ko issue ito nang buong social sciences and philosophy (nandamay pa ko). Na hindi madali para sa iba na ma-define o maikahon ang anthropologists, political scientists, geographers, historians, sociologists, linguists, philosophers, population scientists (? instituters? experts? May nakalimutan pa ba ko?). For more kalituhan pa, interdisciplinary na ang moda at labanan ngayon. Na hindi ka na lang basta “sikolohista.” Posibleng sikolohista ka sa isang communication sciences, health, business, public administration, or showbiz departments. Growing up, wala akong nakita sa textbooks namin na imahe ng social scientists (ano nga kayang magiging itsura ng stereotype na ito?). Lagi lang doktor, abugado, police, o si Lea Salonga ang lumalabas na mga lehitimong propesyon. Ang hirap tuloy ibenta sa mga bagets ang social sciences at philosophy na bonggang end, in and of themselves. Most of the time, pre-law sila o pre-med. Basta “pre-” something. Madalas din ako tanungin niyan nung nasa college pa ako. Eksena:
“Ah, Psych ka, so pre-med ka?”
“Ay hindi po. BA po ako.”
“Ah, so pre-law?”
“Hindi po, pre-showbiz and pre-stardom.”
Kung sa bagay, hindi naman ako magmamalinis. Minsan din naman I operate on stereotypes and misconceptions kapag nakikipag-small talk ako sa mga bagong kilala. Kunwari, pag may nakilala akong archaeologist, napapatanong din ako minsan ng, “So mahilig kang magbungkal?” Tapos I follow it up with, “Maalikabok ba talaga sa site?” Malay ko ba kung siya yung tipo ng archaelogist na nagbubungkal. Kapag may nakikilala akong Engineer o Architect, kinakaibigan ko na sila talaga para libre na yung design ng future 2-storey house ko. Haha. Tatanungin ko na yan kung paano ba gawing maaliwalas ang bahay o paano ba magiging matibay ang bahay pag may bagyo while at the same time malamig din siya sa loob kapag summer. Malay ko ba kung sila yung tipong gumagawa ng bahay. E kung mga flyover o bike lane ang expertise nila? Ganun din pag may nakikilala akong doktor at abogado. Kung doktor, tatanungin ko sila kung talaga bang maraming ganap sa call room. Kung abogado, tatanungin ko kung nanunuod sila ng The Good Wife. Tapos hihingi na ako agad ng advice, kahit wala naman akong sakit o kaso. Pero gusto kong isipin na fairly accurate naman ang stereotypes ko at within the realm of human capabilities naman ang naiisip kong kaya nilang gawin. Haha. At sana, nafa-flatter din sila kahit paano na sa mga mata ko ay expert sila sa kung ano man ang larangan nila.
Alam ko teachable moment ang mga ganitong sitwasyon. I always remind my former students to try to correct this misconception. Pero how do you do it succinctly in such a way na hindi naman magmumukhang un-sexy ang disiplinang pinakamamahal mo? Pwede mo bang sabihin, “Actually, ako ‘yung tipo nang sikolohistang teacher-practitioner-researcher-advocate.” Luminaw ba? Ayoko rin naman ‘yan i-claim kasi ang feeling ko hindi naman yun talaga totoong-totoo (mga 40% siguro haha). Makakatulong ba kung sabihin na, “Well, I sit in the office all day, gumagawa ng surveys—both the paper and online types, mind you—nag-a-analyze ng data, at nagsusulat ng research report.” Sexy ba yun enough? Kung sabihin ko namang, “I’m a writer. I write journal articles,” parang nang-agaw pa ako ng profession ng iba. Ang nakakatuwa, after you go through the trouble of trying to explain your field, bibigyan ka ng blank stare ng kausap mo. Tapos tatanungin ka nang, “Pero hindi nga, kaya mo basahin ang utak ko?”
Just out of curiosity, ano na ang pinaka-amusing na misconception o tanong na nakukuha mo kapag sinabi mo na sa ibang tao ang course mo? At ano nga ba ang pwedeng standard answer sa tanong na, “Kaya mo bang basahin ang utak ko?” For the record at para sa mga gustong malinawan, psychology is the scientific study of behavior and mental processes. Luminaw ba?
(T is a starlet trapped in a teacher’s body.)
This is a great read! Having been schooled in the Social Sciences also (Sociology, Anthropology, and Psychology), the widespread perception that you really can’t make out a “popular profession” in this discipline (aside from being a professor) was rather discouraging, despite these subjects being very interesting and of potentially great use to society. People outside of the social sciences rarely have an idea of what the discipline is about. For example, while archaeology is a part of the study of anthropology, most people simply assume I dug up rocks as an anthropology student (first of all, rocks are largely studied in geology; secondly, geology is neither archaeology nor anthropology; and thirdly, archaeology is not anthropology). I often just say “Yes, rocks and bones,” to cut the conversation.
Having said all that, it’s great to know that a social science alumna has actually chosen to practice his discipline instead of taking the off-beaten of, as you correctly mentioned, treating it as a pre-med or pre-law or anything ‘pre-‘ course. Best of luck and I hope both your theory and practice will do wonders for this otherwise wasting society. 🙂
kaloka nga yang mga ganyang tanong. ako, kapag nalamang chemical engineer ako, natatanong agad na “so, marunong kang gumawa ng shabu?”.
Best comment ever 🙂