Love na love ni Atekupungsingsing si Coco. Madalas feeling ko, mas love pa niya ang aso kesa sakin. Love ko rin naman ang Half-Maltese, Half-Basahan naming aso pero sadyang natutuwa ako sa reaksyon ni Ate tuwing inaasar kong “panget”, “boplaks” at kung anu-ano pang panlalait ang “baby boy” niya. Super pagtatanggol!
Last week, dinala ko si Coco sa Macapagal para magpa-groom. Sa itsurang ito, diba kailangan naman talaga?!?!
Ang bilin ni Ate, “summer cut”. Ang kaso, panay buhol na raw ang balahibo niya. Di na kaya isalba. Kaya nagdesisyon na akong ipa-kalbo. After 3 hours, binalikan ko si Coco Matsing…at eto ang itsura niya nang silipin ko siya sa cage ng grooming shop.
Bago ko siya ma-claim, kainailangan ko pumila. May dalawang customer na nauna sa akin. At paglabas ng aso nila…
Customer 1: Ay bebe kooooo! Ang cute cute mo naman!
Customer 2: Wooooooow!!! Ang pogi pogi ng baby ko!!!
Customer 3 (AKO): … … …
Di na ko nagsalita. Dinampot ko si Coco, nagbayad at kumaripas palabas ng shop! #Ikinahiya Bwahahahahaha!
Pag-uwi, una siyang nasilayan ni Ate…
Ate: Ano ginawa mo kay Coco?!?! Sabi ko sa’yo summer cut!!!
P: Summer cut nga! Kalbo siya hanggang summer. 😛
Mangiyak-ngiyak si ate! Lalo na nang asarin ng mga pinsan ko…
Jeg: Oh, Ate! Bakit may alaga kang kambing?!?!
Hahahaha!
Matapos ang asaran at tulog na ang lahat. Tahimik akong nanonood ng TV. Biglang bumangon si Atekupungsingsing at tumabi sa akin…
Ate: P, ikaw nagdala kay Coco sa grooming?
P: Oo.
Ate: Saan mo siya dinala?
P: Sa Macapagal.
Ate: Sa MOA?
P: Hindi. Dun sa may dampa. Mas mura dun e.
Ate: Ano number ni Coco dun?
P: Walang number. Basta balikan lang daw namin after 3 hours.
Bakit???
Ate: Wala lang…(tila malalim ang iniisip)
P: Bakit, feeling mo napalitan si Coco noh???
Ate: Mmmmm….aaaahhhh…oo.
P: Sus! Hinalikan ako nun kanina. Mabaho pa rin hininga. Sure ako si Coco ‘yun!
Ate: Bwiset ka talaga!!! Hmph!
Babalitaan ko kayo pag hindi na mukhang punggok na Doberman na albino si Coco. 😛
tama nman eh!