Nagtambak ang trabaho ko last week. Hindi ako magkandaugaga. May due na Comment, Brief at kung anek anek pa PLUS kasama ko pa si Atekupungsingsing sa opisina. Parati na kasi siya sumasama sa akin dahil gusto daw niya maging “office girl”.
In fairness kay Ate, malaki natutulong niya sa akin tuwing sumasama siya sa office. Maalaga, organized at parating kumpleto ang gamit niya. Hindi katulad kong burara.
P: Ate, naubos na red ballpen ko!!! Meron ka ba?
Ate: Meron. Teka…
Binuksan ni Atekupungsingsing ang fuchsia pink bag niyang sing laki at sing bigat ng maleta. Humugot ng isang striped pouch. Sa loob ng pouch, humugot ng isa pang black pouch. Sa loob ng black pouch, may mas maliit na black pouch. ‘Yun pala ang pencil case niya.
Ate: Eto na! Ayan, red ballpen.
P: Thank you, ate!
At nang sinulat ko…
P: Ate!!! Black ang sulat nito e!
Ate: Ay, sabi mo kasi red ballpen. Red ‘yan.
Oo nga naman. May point siya.
Hahahahaha… ang kyot kyot naman ng post na ito! More, more, more!!!