1999 pa ako nag-graduate ng high school pero hanggang ngayon, close pa rin kami ng classmates ko. Hanggang ngayon, kahit karamihan ay may mga pamilya na, madalas pa rin kami nagkikita-kita. Hanggang ngayon, sa mga mini “reunions” na ‘yun, nagrereminisce pa rin kami ng mga bagets days namin. At hanggang ngayon, may ngitngit, poot at hinanakit pa rin sila sa akin.
Bakit?
Kasi hanggang ngayon, hindi nila tanggap na naka-graduate ako with an EXEMPLARY IN CONDUCT AWARD. May ganito ba sa school niyo? Ito ay binibigay sa piling mga estudyante na nagpamalas ng angking “kabaitan”, “disiplina” at “katahimikan” sa klase consistently through four years of high school.
(Not the actual medal. Di na kasi mabasa ‘yung sa akin.)
O-ha! O-ha! Ako ‘yun!!!
Pero gaya ng sinabi ko, under protest pa rin ang award na ‘yan. Kasi hindi naman talaga ako mabait, disiplinado at lalong lalong lalong hindi ako tahimik. In fact, isa ako sa maiingay at madadaldal sa klase. E sa butangerang bunganga na namana ko kay Mother Earth, with Kabitenya accent, Lupang Hinirang at Panatang Makabayan pa lang, boses ko na ang nangingibabaw.
Siyempre hindi lang naman ako ang maingay sa klase. Sa katunayan, MADAMI KAMI. Ilan na dyan sina Rose at Petita na sing-lakas ko humagalpak ng tawa. ‘Yun nga lang, hindi sila exemplary in conduct. (Peace! :P) Kaya itong si Rose, panay himutok pa rin sa akin na napaka-unfair daw.
Sorry, Rosa, mahigit isang dekada na ang nakalipas. Kumbaga sa krimen, nag-prescribe na. Paso na ang protesta. Sa katunayan, kupas at inaalikabok na nga ang medalya sa sala namin. 😛
So paano ko na-“achieve” ang rurok ng tagumpay na ito? Well, simple lang.
- Kahit maingay at dumadaldal ka sa klase, tuwing bubukas ang pinto ng classroom, dapat mala-Flash kang makabalik sa upuan at magpanggap na nagbabasa o nagsusulat. Kahit hindi titser ang pumasok sa pinto, ok lang. Do not take chances.
- Laging mag-volunteer kapag may iuutos ang titser – kesyo pagkuha ng extra chalk sa faculty room, paglipat ng overhead projector mula sa kabilang classroom, pagrereserve ng audio-visual room o pangongolekta ng reply forms sa mga kaklase mo. Lahat gawin mo. In short, umepal ka.
- Kahit nasa labas ng classroom, go out of your way para batiin ng “good morning po” at “good afternoon po” ang principal, vice-principal, chaplain at mga guro (titser mo man o hindi). Critical na may “po” ang bati mo ha. Lalo na ang mga guro, magkakasama sa faculty room ang mga ‘yan, nagkukuwentuhan, nagchichismisan. Kapag sinabi ng isa ng “mabait na bata ‘yang si P”, nakatatak na ‘yan! That’s forever…at least hanggang graduation. Kasi kapag nagmi-meeting ang staff at nage-evaluate na ng awardees, sila ang magiging susi sa iyong tagumpay. 😉
- Eto tried and tested ko na. Hanggang maaari, umupo sa harapan. Kapag recitation, ‘wag na ‘wag kang tutungo at magpapanggap na may hinahanap ka sa libro o notebook. ‘Yan ang gagawin ng ibang kaklase mo. Ikapapahamak mo ‘yan. Bagkus, tumingin nang direcho sa mata ng guro. Tila interesadong interesado ka at malalim mong iniisip ang sagot sa tanong. Tila nasa mga mata ng guro ang sagot. Hindi ka niya tatawagin. Kasi alam niyang hindi mo pa alam ang sagot at siya ang mage-“enlighten” sa’yo. Gusto niya ang feeling na ‘yun. So hindi ka na natawag, ikaw pa ang estudyanteng masarap turuan. 😉
- And of course, gone are the days na magdadala ka lang ng mansanas sa titser, ikaw na ang peyborit nila. Ngayon, kailangang suklian mo rin ng sipag sa pag-aaral at tiyaga sa paggawa ng projects ang sipag, tiyaga, pasensya at sakripisyo ng guro mo. Tiyak na makikita nila ang effort mo at aani ka ng papuri.
O ayan, alam niyo na kung paano ko narating ang narating ko. (Charot! Akala mo naman kung ano’ng award ang napanalunan.) Pwede niyo ‘yan ituro sa mga anak niyo para pagdating ng graduation, may isang extra beses kayong aakyat ng stage para magsabit ng medalya. 😉
Ay walang hiya kaaaaaaaaaaaa HAHAHAHAHAHA!! Excuse me!!! I’m the most shy and timid person in class noh!!! Angelic and virginal in speech and action! Mwahahaha sige na! Ikaw na ang exemplary awardee! Peste!