Ano costume mo last Halloween? First time ko ata nag-costume for Halloween nung October 30 para sa Rotary Halloween Party. Hindi naman kasi ako pinalaki na nagti-trick or treat. Subukan ko lang umikot dito sa barangay namin na “witch”, “fairy” o “princess”. Kung hindi ako mapagkamalang may sapak, malamang nakabatak.
Groupmates ko sa presentation ang nag-assign sa akin ng “kuba”. ‘Yun daw kasi ang kailangan…plus wala ako sa first 2 practices kaya ‘yung mahirap ang napunta sa’kin. Anyway, pumayag na rin ako.
Nagsuot muna ako ng backpack na may unan sa loob. Tapos, pinatong ko ang lumang palda at blouse ni Mother Earth. Sina Che, Issai at Liz (officemates) ang nag-make-up sa akin. At eto ang final look…
#KubangKinausapNgAmerikano
#KubangNaputulanNgKuryente
#KompanyerangKuba
Ayos ba? Effect naman diba? Sa sobrang nakakatakot, pati ako nahintakutan nang masilayan ang sarili ko sa rear view mirror…
At sa elevator…
Pati sa gas station, sa parking at sa party venue, lahat iisa ang reaksyon – “Hala!”
In fairness, nag-champion kami sa presentation!!! Sulit ang pandidiri sa’kin ng mga tao. Pero di dyan natatapos ang istorya. Pauwi bandang 11:30 pm, kinailangan kong sunduin si Atekupungsingsing sa Rockwell. Ang kaso, nawala ang lola niyo sa gitna ng ka-Maynila-an! At ang matalinong kuba, pumasok sa one way street…
Wala pang 2 metro mula sa kanto, eto na ang police mobile! Sinalubong ako at tinutukan ng headlights na naka-bright, with matching red and blue “wang-wang” lights.
Hinintay kong babain ako ng pulis. Pero lumipas ang 30 seconds…
1 minute…
2 minutes…
Hindi sila bumababa sa mobile. Pero naka-bright pa rin ang ilaw nila. Baka naawa, hindi na ako huhulihin. O baka tinatapos pang nguyain yung merienda nilang banana cue. O baka may ibang mas urgent na emergency na kelangan respondehan. O baka…ay, eto, bumaba na.
Dalawa silang lumapit sa driver’s side ng koche. Dahan-dahan kong binaba ang bintana…
Pulis 1: MA’AM! Ano bang nangyari sa inyo?! Ninerbyos kami ah!
P: (Tinatakpan ang mukha ko gamit ang kamay.) SORRY, MGA KUYA!!!
Halloween lang po. Usually, maganda po ako e. 😛
Pulis 2: Kaya di kami makababa agad e.
Iniisip namin kung ano yung kasalubong namin.
P: (Duwag lang?! Pero siyempre di ko pwede ihirit yun.)
Sorry po talaga. Hindi ko po kasi kabisado ‘tong lugar e.
Pulis 1: Sige na po, ma’am. Mag-u-turn na lang po kayo at mag-ingat.
YAHOOOO! Nadaan sa pakiusap. Sa dalawang pulis na ‘yun, maraming salamat po! Hindi ko alam kung natakot talaga kayo o naawa na lang sa kamalasang inabot ko. Anak ng teteng naman kasi. Sa akin talaga dapat mangyari ang mga ganitong bagay noh?!
Moral of the story: Ok lang maging
#KubangKinausapNgAmerikano at
#KubangNaputulanNgKuryente…
‘wag lang
#KubangTatangatanga
Leave a Reply