Nagpa-dinner ang parents ni Papa N for relatives. Maswerte naman kaming nakumbida ni Atekupungsingsing. Nakakatuwa ang pamilya nila. Bukod sa “isang buhat”, may kanya-kanyang personality at pag nagkuwentuhan, parang wala nang bukas! Eh ganung ganun din sina Mother Earth at mga kapatid niya. Pag nagsimula nang lunch ang chika portion, aabutin ng midnight snack!
Nadagdagan pa kagabi kasi may mga pinsan sina Nino from US. Naku, buti na lang sa dulo kami umupo ni Atekupungsingsing kasi hindi ako ready. Konti lang ang “baon” ko. Baka mapalaban.
Idagdag mo pang puro tisoy at tisay ang miyembro ng pamilya nila. Si Atekupungsingsing, belong na belong e. Ako naman, well, namukod-tangi ang taglay kong “native” features. 😛
Sila maputi, ako makintab lang. 😛
Ako at ang sisters ni Papa N. Let’s sing together! Alin, alin, alin ang naiba…
Isipin kung alin ang naiba…
After dinner, tuloy pa rin ang chismaks. Tinuro sa akin ni T (ang pretty at sexy na kapatid ni Papa N — ayos ba paglalangis ko, T? 😉 ) ang polo ni E (unico hijo na pamangkin nila).
P: Oh, ano yan sa polo?
T: Dugo. Nag-nose bleed kasi siya kanina.
P: Naku! Ano ba cause niyan?
T: Kapag masyado mainit.
P: Atsaka sabi ni Papa N kapag dry daw yung hangin. Nagkakaganyan din siya minsan e. Ikaw ba nagkakaganyan din?
T: Oo, minsan.
Sa loob-loob ko, baka hereditary yun. Kasi walang ganun sa pamilya namin.
Nang mag-CR kami ni Atekupungsingsing, tinanong ko siya…
P: Ate, dumugo rin ba ilong mo dati? Yung biglaan lang?
Ate: Oo, nung bata ako.
P: Huh?? Talaga?? Ako NEVER eh!
Dun ko napagtanto na wala pala sa lahi yun…NASA TANGOS NG ILONG. 🙁
Leave a Reply