Sa isang family gathering na napuntahan ko, may mga balikbayang bisita from US. Siyempre, kinabahan na naman ako. Isa sa mga balikbayan ay may dalang baby girl. Ang cute niya! Naisip ko, kung kailangan kong makipag-interact in English, mas maigi nang sa bata. At least ang baby, hindi ako ijujudge.
Pagtingin sa akin ng baby…
P: Hi!!! You’re so cute!
Nakatitig lang sa akin ang bata…Aba, mukhang mapapahiya ako ah. Alam ko na’ng gagawin ko.
P: Eeeeaaaat, ba! Eeeeaaaat, Bulaga!!!
Nakatitig pa rin siya sa’kin, pero dedma. Kailangan ng isang daang porsyento!
P: EEEAAAT BULAGAAAAA!!!
Bakit kaya wa epek?! Eh lahat ng pamangkin ko, favorite yun dati. Napaisip ako…
Ay shet, alam ko na. “PEEK-A-BOO” pala dapat. Amerikana nga pala ang bata. :z
pinoy na pinoy baby ko pero dinedma ako nung minsang sinabihan ko ng “apir!”. nasanay kaya sa “high five!”. lechugas.