Masaya naman talaga kapag Pasko… especially dahil madami satin kapiling ang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay para mag-party and celebrate.
Pero I’m pretty sure hindi lang ako ang nag-aalala din kapag panahon ng mga reunion. Lalo na kung katulad mo ako: babae, unmarried, no kids, and over 30 years old. Eto ang mangilan-ngilan na standard questions and comments sa akin pag nakikita ako ng mga tita at tito ko sa reunion (at ang aking corresponding wish-list na gusto kong maisagot sana… pero pinalaki akong gumalang sa nakakatanda):
1. Kailan na ba kayo (ikakasal)?
ANSWER: Hindi po kayo invited.
2. Gusto na ng apo ng mommy at daddy mo!
ANSWER: Gusto ko po ng world peace…pero hindi lahat ng gusto ay nakakamit
3. Ano ba plano mo sa buhay? Ang tanda mo na wala ka pang asawa!
ANSWER: Madami pong plano… Kesa naman po may asawang katulad ni tito…
4. ‘Wag puro trabaho/career!
ANSWER: Eh sa gusto ko yun ginagawa ko eh!
5. Ano?! Live-in na kayo?!
ANSWER: Opo. Nagsesex din po kami.
6. Tumaba ka ata..
ANSWER: Kayo po tumatandang paurong.
7. Kailangan na nga mga kalaro ng mga pamangkin mo!
ANSWER: Para que pinapag-aral yan mga yan sa daycare/pre-school na kamamahal?
Walang ibang bata dun?
Ayan nailabas ko na… now I’m ready. Behave na ulit…
MERRY CHRISTMAS TO ONE AND ALL!!!
Kelan ka ikakasal?
Eh kayo po kelan ililibing? Hahahaha
Tumaba ka ata..
Mahirap kayang mag diet pag marami kang pera pambili ng pagkain.
Hahaha! Salamat! May bago akong bala for da reunion!
Damnn.. to think we just had a semi reunion last week and I had to bring my SO..so yes, all of the questions were asked. HAHAHAHA! except for number 5 though, WHEW! live in talaga! hahahaha! You guys are really funny!
Ang gaganda ng mga sagot haha nakakainis kasi talaga makarinig ng mga ganyang tanong. :))
award ang # 5 hihi ^^
Ang poot…