Nagpunta kaming S&R para bumili ng steaks para sa birthday dinner ni Father Thunder. Actually, may surprise birthday bash kami para sa kanya na ikukuwento ko sa susunod na post, pero para mapaniwala siyang simpleng family dinner lang, namili pa rin kami. Napamahal ang decoy.
Anyway, nang nasa S&R kami, tumawag si Nene…
Nene: Ate, magki-Christmas party din po sana kaming mga kasambahay…
P: Oo ba! Sama kami dyan!
Nene: Si Ate Jinji raw (pinsan namin), magbibigay ng pancit at isang case ng beer.
P: Wow! Bongga!
Nene: Pizza na lang kulang.
P: Pizza? Walang problema. Ako na bahala dun.
Nene: December 29 o 30, ate?
P: Mas ok ako sa December 29.
Nene: Ok ate.
Pag-uwi namin nina Father Thunder at Atekupungsingsing, pinag-usapan namin na maiging sa S&R na rin bumili ng pizza. Masarap at malaki ang pizza dun, plus may package silang may kasamang chicken at softdrinks. Sulit.
P: Nene, si Father Thunder na lang bibili ng pizza para sa party. Tutal, pupunta rin talaga siyang MOA eh.
Nene: Ano’ng pizza, ate?
P: Diba sabi mo, pizza ang nakatoka sa’min para sa party???
Nene: ‘Yan na nga ba sinasabi ko eh…mahirap talaga maging Bisaya! Sabi ko ate, PIIIITSA.
P: Pizza nga!
Nene: PIIIITSA, ate! Kung December 29 o 30!!!
P: Aaaaaaaaah, P-E-T-S-A!!! Date! Anak ng @#$@!
Nene: Dapat gets mo na ‘yun ate. December 29 o 30 nga eh.
P: Aba, nanisi ka pa ha! Eh sinabayan mo kaya ng beer at pancit! Kaya naisip ko PIZZA. Sige nga, ulitin mo yung sinabi mo…
Nene: PIIIITSA! PIIIITSA!
:z
Haha. I wasn’t supposed to comment pero natawa talaga ako. Im Bisaya too so I know what she meant 😛
cute naman ni nene.. hehehehe.. happy new year po MS P. mwah