Sa amin nag-noche buena si Papa N at may bitbit siyang dalawang malaking bag ng chestnuts/castanas. Agad kong naalala si Mother Earth. Kung nabubuhay lang yun, ay sus, walang patawad kesehodang sumakit ang kasu-kasuan niya kinabukasan. ‘Yun nga lang, sa dami ng pinakyaw ni Papa N, hindi namin naubos.
Nene: Ate, ‘yung natirang castanas, inamag na po.
P: Ay ganun, sige itapon mo na.
Nene: Itatapon na, ate? Di na po pwede pakinabangan?
P: Hindi na.
Nene: Pero diba CHISNAT ‘yun, ate? Baka pwede pa gawing CHIS. Ang CHIS naman po masarap kahit may amag diba?
Hay, Nene! Kukulutin ko pati kilay at buhok mo sa ilong para tumerno sa utak mo! ANG KYOOOOOT!
#LifeAccordingToNene
Leave a Reply