First time namin mami-meet ang boyfriend ni Ms. Sophisticated na isang American-Mexican.
Natakot kami ni Provinciated. Kailangan mag-English!!!
Ano ang puwedeng gawin?
1. Bungad pa lang, humingi na ng Divine Intervention.
S: CJ, these are my very good friends P and D.
BF: Good evening! How are you guys doing?
P: Glory be to the Father, and to the Son and to the Holy Spirit…
D: Amen.
2. Uminom ng alak
Dalawa lang ang puwedeng mangyari.
Una: Magkakalakas ka ng loob mag-Ingles. Keber kung mali mali ang grammar.
Pangalawa: Mag-tatagalog ka pa rin pero puwedeng sabihin na di ka maka-Ingles kasi lasing ka.
3. Sumubo ng madami
Di ba ang sabi, don’t talk when your mouth is full?
4. Sumaulo ng mga maiiksing sagot sa wikang Ingles
Puwede rin dagdagan ng “you know” ang mga sagot para mejo humaba…
5. Humandang kumontra sa sinabi…
Mag-isip….
At sabihing…
“Oh, I agree!”
6. Habang lumalalim ang gabi, mas nahahalatang di ka masyado nagsasalita. Pero wag mag-alala. Two words lang ang pwedeng gawing sandigan…
CJ: You’ve been awfully quiet.
P: TIRED.
D: SLEEP.
Ang sabi nga naman ni Mareng Marian Rivera, hindi raw dapat gawing basehan ang husay sa pag-i-Ingles para ikonsiderang matalino ang isang tao.
“Kapag hindi ka magaling mag-Ingles pero maprinsipyo ka sa buhay mo, kapag mahal kang anak, mabait kang kaibigan, ibig sabihin pa nu’n bobo ka?… Parang ang sakit lang isipin at sana maging malawak ang pag-iisip ng tao tungkol sa definition ng isang pagiging matalinong tao. Kasi para sa akin, ang matalinong tao e marunong dumiskarte sa buhay,” (source:GMA Network)
Diskarte sa buhay ang kailangan… diskarte sa pag-iwas mag-English ;-P
Cool! “You know!”
Gahd, this blog is better than weed!
I’m a boy and I’m pretty sure this is a blog which targets girls but god, this page is just so entertaining.
I clicked on a sponsored link about soshal ig posts then I just started roaming around the blog since my first read was interesting. The second and third didn’t fail me.
Thank you for visiting our blog 🙂
Hahahaha! Sana meron kang car or ride series!
Galing! Clap2!
I’ve never commented on any blogs before but this one is an exception. Ang funny and cute and educational and sobrang funny po nung mga posts niyo. Can’t get enough of you. Not to mention your witty names. Kudos! More power!
PS. I’m a very stressed college student and this blog is really a good destressor.
Wow, natuwa naman kami sa comment mo. Salamat sa pagbabasa! Push lang ang pag-aaral at good luck!
Cool coffee place. The pics were taken in Yardstick. 🙂
Soshal! Alam ang place 🙂
Wahaha. “You know, I can’t believe it”
kwela girls! love your perspectives
I Love your brains 🙂 hahahaaha
Nyahahahha! Funny!
hahaha ang kulit lang ng dalawa oh! winner D & P!!!! ^_^
Kagulo! Isa lang sagot jan batt your eyelash! 🙂
No hable Ingles, mi amor! Spanish pala alam! :p
lol!!!!