Kilala niyo naman ang tatay ko diba? #Serious #OldSchool
Siya na “aretes” pa ang tawag sa hikaw; “karsunsilyo” ang tawag sa brief; may “pie” pa rin ang pizza at isa sa aapat na natitirang tao na nagsusuot ng vertical stripes.
Anyway, galing kami sa family dinner sa Greenhills noong isang gabi. Si Father Thunder ang nagmamaneho. Ang karaniwang ruta namin galing EDSA pauwi sa Southern Tagalog Region ay EDSA – Macapagal Blvd – Coastal Road – BaCav. Kaya nagtaka ako nang biglang nag-U-turn ang tatay ko pa-Baclaran.
P: Bakit ka dito dadaan, daddy? Baka ma-traffic tayo.
Father Thunder: Mas mata-trapik tayo pag dumaan tayo bandang MOA.
P: Bakit??
Father Thunder: Concert ngayon ng THE VAMPS diba?! Dun sa Arena!
Edi, WOW! Ang tatay ko na ang kilala ang The Vamps! Siya na rin ang updated sa Philippine concert scene! 🙂
salamat sa word for the day paps – “aretes”. idadagdag ko sa mga kinalakihan kong words from lola and father dear. A couple of them ay yodo (iodine…na for some reason nakalagay sa small crystal bottle, parang whiskey lang) at katre (for kama).
Hahaha. Bagets si sir.
ikaw na talaga daddy…bow na bow ako sa’yo…at ako pa talaga ngayon nag google kung sino yang THE VAMPS na yan.